Pag Bida ng Filipiniana na Kasuotan sa Prenup Photos

Ang celebrity couple na si Jason Abalos at Vickie Rushton ay naglabas ng ikatlong set ng kanilang prenup photos kung saan ang dalawa ay nakasuot ng Filipiniana.

Ang kasuotan ng magkabiyak ay idinisenyo ni Patty Valle. Si Abalos ay nagsuot ng piña silk  Barong na may Callado embroidery habang si Rushton ng blush beaded terno gown.

Ang lokasyon ng prenup photos ay sa Pantabangan Dam ng Nueva Ecija kung saan malapit sa lugar kung saan ipinanganak si Abalos. "Pinili ko ang Pantabangan, para maipagmalaki sa lahat ang ganda nito," ayon kay Abalos sa kanyang instagram post. Ayon pa sa kanya, "Malinis ang simoy ng hangin at magaganda ang tanawin, tuwing summer at mababa ang level ng tubig ay napapakita ang lumang simbaha sa gitna ng tubig.”

Ipinaliwanag pa ni Abalos ang historya ng Pantabangan kung saan sa nakaraang 50 taon, napatayuan ito ng hydroelectric power plant at nawalan ng kabukiran para sa mga magsasaka. Ang lokasyong ito ay sa kasalukuyang umaasa sa pagpapatibay ng turismo.

Ang pagsusuot ng Filipiniana ay isang paraan ng pagpapakita ng nasyonalismo sa gitna ng pandemya at makabagong panahon.

 

https://www.philstar.com/fashion-and-beauty/2022/08/18/2203341/jason-abalos-vickie-rushton-wear-filipiniana-new-prenup-photos/amp/


Social Media bilang instrumento ng Kapayapaan

Ang layuning mapalaganap ang kaalaman ayon sa tunay na kapayapaan ay higit nang naging madali sa tulong ng teknolohiya.  Sa paggamit ng iba’t ibang uri ng tradisyunal at mas makabagong plataporma ang mga  tagapagtaguyod ng kapayapaan sa ating bansa ay nakakita ng marami pang paraan ng pagbabahagi ng impormasyon at kamalayan.  Ang social media ay naging bahagi na ng normal na buhay ng bawat isa sa atin.  Ito ay nagbigay sa atin ng madali at mainam na daan upang makakuha ng kaalaman sa napakaraming mga bagay sa halos lahat ng aspeto ng pamumuhay.  Ngunit gaya ng mga panukala ng nakararami, kinakailangan nating maging mapagmasid, at maging mapanuri sa pag “filter” ng kaalaman na ating makukuha rito.

Ang social media ay maituturing na “double-edged sword” dahil na rin sa mabuti at di mabuting dulot sa paggamit nito.  Sa isang banda ang social media ay maaaring magsilbing inspirasyon sa pagtuklas ng kapayapaan bilang praktikal at posible sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga makatotohanang proyekto at gawain paukol dito, o mga tinaguriang “organized peaceful protests.”  Sa kabilang banda naman ay maari ring gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng mga radikal na ideolohiya at karahasan bunga ng mga kampanya tungo sa “disinformation.”

Marami na rin ang naisulat ukol sa paksang ito, at di maipagkakaila n malaki ang potensyal ng social media upang mapalaganap ng mas mabuting bagay na tutugon at tutulong sa mga inisyatibo tungo sa kapayapaan.  Ang ilan sa mga posibleng paraan ay ang mga sumusunod sa pagtaguyod ng isang kampanya sa social media:

  • Paggamit ng “hashtag” upang mas malawak ang maabot ng isang kampanya para sa kapayapaan
  • Pagbabahagi ng mga “true-to-life” na anekdota upang mahimuk ang mga mamamayan sa pag-angat ng antas ng indibidwal na pagpapahalaga sa kapayapaan bilang isang konsepto at bilang bahagi ng mga karanasan ng normal na Pilipino, sa maliliit na simpleng paraan.
  • Pagpapalaganap sa pamamagitan ng mga litrato na maaaring “i-share” sa social media gamit pa rin ang partikular na “hashtag
  • Paghikayat sa network at mga tagasunod na kumilos at gumawa ng mga aksyon ukol sa kampanya ng kapayapaan 
  • Himukin ang mga kakilala, kaibigan, kasamahan sa trabaho upang makilahok sa pamamagitan ng mga aktibidad gaya ng paggawa ng mga “digital art”, paggamit ng pagka malikhaing sining gaya ng pagsulat, pagguhit, pagpinta, at iba pa.  Di lamang ito susuporta sa adbokasiya, ito rin ay makakapagbigay ng pagkakataon mailabas ang talento ng bawat isa.

Ilan lamang ito sa mga makabagong paraan na maari nating subukin upang mapalawig ang social media upang maging makabuluhang instrumento ng kapayapaan sa Pilipinas.

 

https://www.sipri.org/commentary/topical-backgrounder/2021/social-media-tool-peace-or-conflict

https://www.c-r.org/accord/pioneering-peace-pathways/role-social-media-early-peacemaking-help-or-hindrance


Brigada Eskwela o National Schools Maintenance Week

Bawat simula ng taon ng pag-aaral, ang Department of Education (DepEd) ay naglulusong ng “Brigada Eskwela” upang isulong ang pagkakaisa at bayanihan.

Sa kabila ng pandemya, ang programang ito na kilala rin bilang National Schools Maintenance Week ay nagbibigay halaga sa pagtutulungan ng akademya at ng komunidad.

Sa Sta. Ana National High School (SANHS) na matatagpuan sa Tagoloan, Misamis Oriental, ang “Brigada Eskwela” ay maituturing ng ritwal kada taon ng mga magulang, guro at mag-aaral. Nagkaroon man ng paghinto sa pagpasok sa paaralan ng dalawang taon, ang bawat isa ay muling nagkaisa upang masiguro ang ligtas na pagbabalik ng “face-to-face classes.”

Ayon kay Clyde Villar,  SANHS “Brigada Eskwela” Coordinator, kung ang bawat paaralan ay handa at may tamang pasilidad sa pag-aaral, patuloy na ang pagusad ng ligtas na edukasyon sa gitna ng pandemya.

Sa nakaraang taon, ang SANHS ay nagkaroon ng 1,438 na mag-aaral.

Ayon kay Ivan Jeff Emano, is sa mga guro ng SANHS SHS Department, ang Senior High School ay mayroong limang seksyon, subalit sa kasalukuyang taon ay wala pang eksaktong numero kung ilan ang magiging karagdagang seksyon. Ito na rin ay sa kadahilanang ang pagpapatala ay patuloy pa rin sa kasalukuyan.

Ayon pa sa kanya, ang isang silid-aralan ay kayang tumanggap ng humigit kumulang na 40 estudyante. Gayunpaman, maari itong tumaas hanggang sa 50 na estudyante lalo pa at nagkaroon na ng anunsyo ang DepEd ng “full in-person classes.”

Dagdag pa nito, ang “Brigada Eskwela” ay krusyal sapagkat hindi lamang ito limitado sa pagpapaayos ng mga upuan at silid-aralan, ito rin ay isang paraan upang maimbentaryo ang mga kakulangan at kailangan pa ng bawat paaralan.

Ang mga programang kagaya ng “Brigada Eskwela” ang magsusulong upang maging kaayaya aya ang pag-aaral sa silid-aralan at magbibigay ng kapanatagan ng loob sa mga magulang sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral.

https://www.pna.gov.ph/articles/1181269


Pinoy Pride Chicken!

Nilikom ng Vox Media’s Food Website,Eater, ang 16 “Fried Chicken Chains” sa Amerika ayon sa mga sumusunod na kategorya: Bones (classic fried chicken), No Bones (nuggets, tenders, etc.) Sandwiched (fried chicken sandwiches), at Sauced (fried chicken dishes paired with sauces).

Matapos na unti-unting alisin ang bawat chain mula sa “face-off bracket”, idineklara ng Eater ang pagkapanalo ng Jollibee sa kategoryang Bones!

Naipanalo ng tahanan ng sikat na Chickenjoy laban sa Bonchon ng South Korea ang huling round at ito ay naideklarang “best fried chicken in America.”

Ayong kay Lesley Suter, Deputy Editor ng naturang website, “The subtly seasoned skin is as tectonically crunchy as advertised, if loosely attached in such a way as to be able to slide off an entire hunk with one bite”. Dagdag  pa niya na ang iconic gravy ng Jollibee ay “more than just an optional dunk.” “It completes the dish, gelatinous in a way I can only describe as naughty, while proudly showing its Filipino colors with a hefty dose of sugar.”

Maliban sa Bonchon, naging kakumpetensya rin ng Jollibee sa nasabing kategorya ang Popeyes, KFC, Church’s, Wendy’s, McDonald’s, Burger King, White Castle, Chick-fil-A, Shake Shack, Fuku, Bojangles, Wing Stop, Panda Express, and Del Taco.

Ang Jollibee ay mayroong 64 branches sa Amerika at 1,500 lokasyon sa buong mundo. Nabuksan na rin ang Jollibee Times Square, New York noong August 18, 2022.

Ang pagkapanalo ng Jollibee ay karangalan hindi lamang para sa nasabing kainan kundi para na rin sa Pilipinas kung saan ito nagsimula.

https://www.rappler.com/life-and-style/food-drinks/jollibee-dubbed-best-fried-chicken-chain-in-the-united-states/


Kilalanin ang 3 Gurong Pinangalanang “Most Inspiring Teachers” ng Pilipinas

Tatlong guro mula sa Department of Education (DepEd)-Leyte Division ang pinangalanan ng Saceda Youth Lead bilang mga “Most Inspiring Teachers” ng Pilipinas.

Kilalanin natin sila!

Ayon sa Sunstar Tacloban, ang mga kinilalang guro ay sina Leyte Schools Division Superintendent Dr. Manuel Albaño, Assistant Schools Division Superintendent Dr. Henrietta Managbanag, at Headteacher Dr. Gary Mosquito. Sila ay pinagkalooban din ng Professor Ad Honorem/Vitasta Ambassador Distinction, isang honorary doctor of excellence, ng Université Henry Dunant sa seremonya sa Foundation University sa Dumaguete City noong Agosto 5, 2022.

Si Dr. Mosquito, na nasa serbisyo sa loob ng 16 na taon, ay naglahad ng pasasalamat sa "labis na parangal at pribilehiyo" sa kanyang pagtanggap ng parangal.

"Ang parangal na ito ay kumikilala sa mataas na kwalipikasyon ng “Most Inspiring Teachers” na gumagawa ng pagbabago sa pag gabay ng kabataan, edukasyon, at pagbuo ng bansa, na nagsusumikap para sa personal na kahusayan, at naging isang nakakaganyak na halimbawa sa mga komunidad," sabi niya.

Ang Propesor Ad Honorem/ Vitasta Ambassador Distinction ay isang propesyonal na pagkilala na nagbibigay ng independiyenteng sanggunian sa katiyakan ng kalidad para sa Mga Pinakamagaling Guro ng Saceda Youth Lead, isang kabataang naglilingkod sa Institusyon sa ilalim ng National Youth Commission ng Pilipinas.

Ang iba pang awardees mula sa Eastern Visayas ay sina DepEd-Calbayog City Assistant Schools Division Superintendent Dr. Thelma Quitalig, Tacloban City Division teacher Eric John Estoque, Samar State University President Dr. Marilyn Cardoso, at Southern Leyte State University President Prose Ivy Yepes.

Ayon sa Saceda Youth Lead, 28 na mga guro mula sa mahigit 100 na nominado ang lumabas bilang “Most Inspiring Teachers of the Philippines” ngayong taon sa anim na buwang nationwide search.

Mayroong 140 awardees mula sa Batch 2013-2022 sa buong bansa, kabilang ang mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na ginawaran at tumanggap ng Honored Causa Professor/Ad Honorem Vitasta Ambassador Distinction o Honorary Doctor of Excellence.

Nakakabilib at saludo kami sa mga Pilipinong guro na patuloy na nagpapamalas ng galing at pagmamahal sa ating bansa! Mabuhay kayo!

Reference: (SunStar Philippines)


Bagong Batas na Magsusulong ng Interes ng mga Kabataan, Pinagtibay

Iniulat ng Philippine News Agency na ang pasasalamat ni Senator Sonny Angara sa pagsasabatas ng tatlong bagong batas na magpapaunlad sa mga kabataang Pilipino bilang mga magiging lider at produktibong miyembro ng lipunan.

Sa pamamagitan ng Republic Act (RA) 11913 o ang National Youth Day Act, RA 11915 o ang National Music Competitions for Young Artists, at RA 11910 o ang Summer Youth Camp Act kamakailan na naging batas, sinabi niya na maaari nang magpatupad ang gobyerno ng mas maraming programa para sa kabataan at mabigyan sila ng atensyon na nararapat sa kanila.

"Ang pamumuhunan sa ating kabataan ay kritikal sa pangkalahatang pag-unlad ng ating bansa. Ang kabiguan naman na gawin ito ay hahantong sa mas maraming problema na pagpapawalang-bisa sa anumang mga natamo na natin," sabi ni Angara sa isang pahayag.

Ano nga ba ang nilalaman at nilalayon ng mga batas na ito?

Idineklara ng RA 11913 ang Agosto 12 ng bawat taon bilang National Youth Day, kasabay ng International Youth Day na idineklara ng United Nations, kung saan ang National Youth Commission (NYC), Department of Education, Commission on Higher Education, at ang Technical Education at Skills Development Authority ay hinihimok na talakayin ang mga career path, Sustainable Development Goals, ang pangangalaga sa kapaligiran, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at kalusugan ng isip.

Bagama't ang mga tanggapan ng pamahalaan na ito ay hinihikayat na bumuo ng mga aktibidad tulad ng pagsasanay sa pamumuno, pagbibigay-kapangyarihan sa mga kabataan, mga workshop, basic mass integration, at community immersion, hinihikayat din ang mga provincial at local youth development office na maghanda ng mga taunang programa at aktibidad na nagbibigay ng holistic na pag-unlad at pagpapayaman ng mga kabataan sa kani-kanilang komunidad.

Sa kabilang banda, itinalaga ng RA 11915 ang National Music Competitions for Young Artists (NAMCYA) bilang Philippine National Youth Development Program for Music na nagsisilbing daan sa pagtuklas ng mga natatanging talento sa musika sa bansa; pag-unlad ng mga musikero; ang pangangalaga, pagpapaunlad, at pagtataguyod ng musika ng Pilipinas bilang isang anyo ng sining; at ang pagsasagawa ng isang patuloy na programa ng pananaliksik, dokumentasyon, at paglalathala ng musika sa Pilipinas para sa pagpapalaganap sa mga paaralan at sa pangkalahatang publiko.

Ang pag-institutionalize ng taunang programa ng Summer Youth Camps, ang RA 11910 ay inaasahang magtanim ng isang pakiramdam ng panlipunang responsibilidad, pagkamakabayan, paglilingkod sa iba, at pamumuno sa mga kabataan na nag-atas sa Sangguniang Kabataan na magplano, magpatupad, mag monitor, at magsuri ng mga kampo ng kabataan sa kanilang mga lugar.

Inatasan din silang bumuo ng mga modyul sa mga kursong may kinalaman sa mga isyu at kasalukuyang kaganapan na nakakaapekto sa kabataan; komunikasyon at pagbuo ng pangkat, pamamahala ng salungatan, inklusibong kapaligiran, pamumuno, at mga pamamaraan ng parlyamentaryo; pagsulat, pananaliksik, pag-edit, paglalarawan, at publikasyon; pagsasalita sa publiko; sports at fitness; mental wellness kabilang ang pagbubuntis ng kabataan; pag-unlad ng mga digital na kasanayan; pagsasanay sa entrepreneurship at livelihood skills; at kamalayan sa kultura sa tulong ng NYC, mga kinatawan ng mga lokal na institusyong pang-edukasyon, at ng Local Youth Development Office.


Even K-POP stars undergo Military Training: ROTC to Revive Filipino Patriotism

When Filipinos hear the term “ROTC” or The Reserve Officers Training Corps, they immediately link this to physical abuse and human rights violations among its students. We cannot blame them. There have been several controversies and instances wherein ROTC cadets were involved in injuries and even untimely deaths. But there is no greater time to remind the Filipino people, especially the youth, of the history and the purpose of the ROTC, and its revival under the term of President Marcos.

In South Korea, to maintain a ready fighting force, all men between the ages of 18 and 28 are required to serve at least 18 months of military service. This is true even for artists and famous members of boyband groups such as Super Junior and BTS. Because of their strong sense of nationalism, they willingly accept this order. Filipinos would often be saddened if their korean crush would suddenly enter this training and be gone for a while. However, this military training brings pride and joy to South Koreans, showing the world how their citizens could readily respond to the call of service.

In an article written by Senator Francis Tolentino in the Manila Bulletin, he simply discussed “The Reserve Officers Training Corps. (ROTC) is a program designed to provide military training to tertiary level students with the aim of preparing the country’s national defense.” The ROTC aims to train and prepare Filipinos not only in basic military combat and skills, but also in harnessing their spirit of nationalism and patriotism.

Senator Tolentino continues, “It is the policy of the State to maintain a standing or regular military force in times of peace, which can be rapidly expanded by the well-disciplined citizen armed force in the event of war, invasion, or rebellion. For those unfamiliar with the ROTC since it was made no longer mandatory in 2001, the program required tertiary level students to undergo military training and were considered reservists.”

“Reservists, alternatively referred to as citizen soldiers, are those who are incorporated into the reserve force of the Armed Forces of the Philippines. This means that in the event of a war, invasion, or rebellion, reservists are called to serve and participate in safeguarding the security of the state and assisting in socioeconomic development. The purpose of the military training is to ensure their readiness to immediately respond to the call to service.”

Now, despite the numerous controversies surrounding the ROTC, Vice-President elect Sarah Duterte aims for the ROTC revival saying that "Gagamitin ko ang aking opisina (I will use my office) — Office of the Vice President — para kausapin ang ating (to talk to our) Congress and the Senate of the Philippines to make military service for all 18 years old, male and female, mandatory in our country,". This only shows the dedication of the new administration into strengthening nationalism among the Filipino youth.

At Mustaqim, we also aim to encourage all Filipino citizens to exemplify courage and bravery especially in times of need. The ROTC is an important step to building a sense of pride and Filipino nationalism. The ROTC would enlighten the youth and teach them life skills that they would need in the future.


The Symbolism of the Philippine Flag

Whenever we see the Philippine flag, we are reminded that we are a sovereign nation and people living freely in our country as Filipinos. Because of the Philippine flag, we have a proud identity - Filipino - a term which we use whenever we bring pride and honor to our country. 

But what does our flag really symbolize?

Section 4 of the Republic Act Number 8491 or An Act Prescribing the Code of the National Flag, Anthem, Motto, Coat-Of-Arms and Other Heraldic Items and Devices of the Philippines states: The flag of the Philippines shall be blue, white and red with an eight-rayed golden-yellow sun and three five-pointed stars, as consecrated and honored by the people.

The National Commission on Culture and the Arts lifted from “Acta de la proclamación de la independencia del pueblo Filipino” as read in the original Spanish by Ambrosio Rianzares Bautista, then War Counsellor and Special Delegate of the country during the Philippine Independence Day declaration on June 12, 1898 in the province of Cavite, the symbolisms of the colors and icons found on our flag:

“…white triangle signifying the distinctive emblem of the famous Society of the “Katipunan” which by means of its blood compact inspired the masses to rise in revolution; the three stars, signifying the three principal Islands of this Archipelago- Luzon, Mindanao, and Panay where this revolutionary movement started; the sun representing the gigantic steps made by the sons of the country along the path of Progress and Civilization; the eight rays, signifying the eight provinces- Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, and Batangas—which declared themselves in a state of war as soon as the first revolt was initiated; and the colors of Blue, Red, and White, commemorating the flag of the United States of North America, as a manifestation of our profound gratitude towards this Great Nation for its disinterested protection which it lent us and continues lending us.”

With this in mind, we hope that the next time we look at our flag, we will be reminded of our national heroes and their sacrifices for the freedom and sovereignty of our country. At Mustaqim, we are proud to be Filipinos from all walks of life!


Filipina Bags Philippines’ First Gold Medal in the 31st SEA Games

Mary Joy Padios, a native of Aklan, won the Philippines’ first gold medal at the 31st SEA Games in Hanoi Vietnam as she competed and proved herself an expert in pencak silat, an Indonesian martial art.

Padios said her inspiration is her father, who is currently comatose after a tragic car accident. She mentioned her win would largely support the hospitalization bills of her father.

The Malacañan and the Philippine Sports Commission have expressed their commendations to the 18-year old Filipina who exhibited exemplary performance during the SEA Games.

We congratulate Ms. Mary Joy Padios as her victory is also a big accomplishment for the Filipino people. May her story inspire other Filipinos, especially the youth, in representing and bringing glory to the country in the international arena.


Two More Gold Medals for the Philippines Won at the SEA Games

In a momentous event, both Filipino athletes Jack Escarpe, who competed in Kurash or folk wrestling, and Carlos Yulo, who competed in gymnastics, bagged the country’s 2nd and 3rd gold medals, respectively, on May 13, in the 31st Southeast Asian Games in Hanoi.

The Philippine Sports Commission (PSC) has announced that SEA Games medalists will receive cash benefits under Republic Act No. 10699 or the National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act. Al gold medalist will get PHP300,000, a silver medalist PHP150,000, and bronze medalist PHP60,000.

Mustaqim congratulates all of our athletes representing the country in the 31st SEA games. We are all proud of you!