Ang celebrity couple na si Jason Abalos at Vickie Rushton ay naglabas ng ikatlong set ng kanilang prenup photos kung saan ang dalawa ay nakasuot ng Filipiniana.

Ang kasuotan ng magkabiyak ay idinisenyo ni Patty Valle. Si Abalos ay nagsuot ng piña silk  Barong na may Callado embroidery habang si Rushton ng blush beaded terno gown.

Ang lokasyon ng prenup photos ay sa Pantabangan Dam ng Nueva Ecija kung saan malapit sa lugar kung saan ipinanganak si Abalos. “Pinili ko ang Pantabangan, para maipagmalaki sa lahat ang ganda nito,” ayon kay Abalos sa kanyang instagram post. Ayon pa sa kanya, “Malinis ang simoy ng hangin at magaganda ang tanawin, tuwing summer at mababa ang level ng tubig ay napapakita ang lumang simbaha sa gitna ng tubig.”

Ipinaliwanag pa ni Abalos ang historya ng Pantabangan kung saan sa nakaraang 50 taon, napatayuan ito ng hydroelectric power plant at nawalan ng kabukiran para sa mga magsasaka. Ang lokasyong ito ay sa kasalukuyang umaasa sa pagpapatibay ng turismo.

Ang pagsusuot ng Filipiniana ay isang paraan ng pagpapakita ng nasyonalismo sa gitna ng pandemya at makabagong panahon.

 

https://www.philstar.com/fashion-and-beauty/2022/08/18/2203341/jason-abalos-vickie-rushton-wear-filipiniana-new-prenup-photos/amp/