A date with one’s self? Bakit hindi?

Ang pagkain ng mag-isa marahil ay hindi para sa lahat. Kamakailan, ang social media ay humimok ng iba’t ibang opinyon ayon sa paksang, sa palagay ko, at siguro sa palagay rin ng nakararaming Pilipino ay hindi ganoon kahalaga upang maging usapin (dati), ngunit sa isang iglap ang marahil isang “choice” lamang ng taong naging biktima ay naging malawak na isyung sumasalamin sa ating kultura.

Kalungkutan. Nakakaawa. Ganyan ang tingin ng iba. Walang pag aalinlangang na-judge ang isang taong kumakain mag-isa. Walang isip kung sa kabilang banda ang eksenang ito ay higit na nagbigay sa taong iyon ng katahimikan, kapayapaan at isang “moment” ika nga ng kaligayahan. Napakadali sa ating mga Pilipino ang bumuo ng mga konklusyon. Gumawa ng mga kwento, na kung minsan ay sadyang wala namang sapat na basehan. Sabagay, tayong mga Pinoy ay pinalaki sa pagbibigay halaga sa ibang tao higit sa ating sarili. The most hospitable people on the planet, ika nga. Kasama na dito ang napakalaking bahagi ng ating kultura na maging dikit sa pamilya, sa ating mga kaibigan, sa ating mga kasama sa opisina. Sa puntong ito, atin na ring banggitin ang popular na kasabihang no man is an island. Kaya naman kung mag-isa kang kumakain, tiyak may isyu ka.

Nasaan sa mga ideyang ito ang sarili o self? Hindi naman bagong konsepto ang self-love. Siguro nga ay di lang ito tatak Pinoy na ating nakasanayan. Hindi ba natin maituturing na pagmamahal sa sarili ang pagkain ng mag-isa? Paano kung sarili ko lang ang gusto kong pakainin ng masarap? Pakainin ng mahal? Paano kung nag-ipon ako para sa buffet?

Kung babalikan ko ang mga panahong nasubukan kong kumain mag-isa, na sa totoo ay hindi ko na rin mabilang sa aking mga daliri, hindi naman dahil ito ay madalas, kung hindi dahil para sa akin ito ay bahagi lamang ng normal na takbo ng buhay. Wala naman ako talagang maiuugnay na malungkot na nangyari, kahit sa mga pagkakataong kinailangan kong kumain ng mabilis sa cafeteria ng ospital dahil ako ang bantay, o kaya ay kumain saglit upang bumalik sa burol, o di kaya ay kumain makalipas ang libing ng isang kamag-anak. Malulungkot na tagpo ng buhay ngunit ang mismong pagkain ay di ko naman kinakitaan ng kalungkutan. Naisip ko tuloy, kung namumugto ba ang mata habang sumusubo ng chicken nuggets ay nagbibigay sa iba ng similar na pag-iisip - “kawawa naman yung babae, walang kasama, kumakain mag-isa....” Wala sa hinagap nila na ang mismong sandaling iyon ay nagbigay sa akin ng malaking ginhawa - “sa wakas tapos na ang paghihirap...” “sa wakas nakakain din ako, kanina pa ako nagugutom.” Mga ideyang siguro nga ay hindi pumasok sa isip ng mga nakakakita. Dahil gaya ko at gaya ng iba, tayong mga Pinoy ay mahilig humatol base lamang sa panlabas nating nakikita.

Ang pagkain ay marapat lang na pumukaw ng positibo at masayang karanasan. Gaya ng maraming nagbigay ng unsolicited opinion, ako rin ay umaasang sa susunod na may makita tayong kumakain mag-isa, maging masaya tayo para sa kanila, dahil bukod sa may pambili sila ng pagkain, ay nakapaglaan sila ng oras para sa kanilang mga sarili. Baguhin natin ang ating pananaw at maging maligaya para sa iba. Gawin nating normal - let us normalize eating alone. Mahirap ba yun? Kain tayo.


Paano aalagaan ang Mahal sa Buhay na may Dementia?

Kamakailan lamang ay nabalitang nadiagnose na may dementia ang sikat na aktor na si Bruce Willis. Si Bruce Willis ay sumikat noong 1980s sa isang comedy drama TV series na pinamagatang “Moonlighting”. Matapos nito, lumabas ang aktor sa higit 100 na pelikula sa loob ng apat na dekada at sa mga pelikulang ito umani ng napakadaming parangal ang aktor, lalong lalo na sa kanyang mga ginampanang papel sa pelikulang “Pulp Fiction”,  “The Sixth Sense” at “Die Hard”.

Isa lamang si Bruce Willis sa mga taong naapektuhan ng sakit na Dementia. Ang Dementia ay hindi isang partikular na sakit ngunit ito ay isang pangkalahatang termino para sa kapansanan sa kakayahang matandaan, mag-isip, o gumawa ng mga desisyon na nakakasagabal sa paggawa ng mga pang-araw-araw na gawain. Ang Alzheimer's disease ay ang pinakakaraniwang uri ng Dementia. Bagama't kadalasang nakakaapekto ang dementia sa mga matatanda, hindi ito bahagi ng normal na pagtanda.

At dahil buwan ng pag-ibig ngayong Pebrero, talakayin natin kung paano ba natin aalagaan ang ating mga mahal sa buhay na mayroong dementia.

Kung ikaw ay nag-aalaga ng isang taong may dementia, ang iyong tungkulin sa pamamahala ng mga pang-araw-araw na gawain ay tataas habang ang sakit ay lumalala. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tips na pupuwedeng gawin:

Bawasan ang pakiramdam ng pagkabigo

Ang ating mga mahal sa buhay na may dementia ay maaaring makaranas ng matinding pagkabigo sa kanilang hirap sa paggawa ng mga simpleng gawain sa araw-araw. Upang mabawasan ito, dapat tayong gumawa ng kagawian sa araw-araw at ipaintindi sa ating mahal sa buhay na hindi nila kailangang magmadali. Bigyan natin sila ng kalayaang pumili at magdesisyon pa din sa kanilang sarili ngunit patuloy natin silang gagabayan. Wag din natin kakalimutan na isama ang mga mahal natin sa buhay sa mga makabuluhang usapan, at limitahan ang mga bagay na makakaabala sa kanila. Kapag ginawa natin ito, matutulungan natin silang makapokus.

Maging marunong makibagay

Sa paglipas ng panahon, ang isang taong may demensia ay mas aasa sa atin upang matulungan sila. Para mabawasan ang kanilang pagkabigo, manatiling flexible at ibagay ang iyong routine at mga inaasahan kung kinakailangan.

Halimbawa, kung gusto niyang magsuot ng parehong damit araw-araw, isaalang-alang ang pagbili ng ilang magkakatulad na damit. Kung ang pagligo ay natutugunan ng pagtutol, isaalang-alang ang paggawa nito nang mas madalas.

Lumikha ng isang ligtas na kapaligiran

Ang dementia ay umaapekto sa kakayahang magdesisyon ng isang tao pati nadin ang kanyang kakayahan upang lumutas ng problema. Dahil dito, mas nagiging mahina sila at madalas maaksidente. Dapat nating siguraduhin na ligtas ang kapaligiran ng ating mga mahal sa buhay na may dementia. Ilan lamang sa pwede nating gawin ay siguraduhin na ang lugar o bahay ay ligtas mula sa mga aksidenteng pagkahulog; lagyan ng mga kandado ang mga lugar na may mga nakakapinsalang kemikal o mga gamit; siguraduhing kaaya-aya ang temperatura ng kwarto ng ating mahal sa buhay at maglagay ng smoke detector kung sakaling magkaroon ng sunog at iba pang aksidente.

Tumutok sa indibidwal na pangangalaga

Ang bawat taong may Alzheimer's disease o dementia ay makakaranas ng mga sintomas at pag-unlad o paglala nito. Ang pasensya at kakayahang umangkop — kasama ang pag-aalaga sa sarili at ang suporta ng mga kaibigan at pamilya — ay makakatulong sa iyo na harapin ang mga hamon at pagkabigo sa hinaharap.

At dahil buwan ng pagmamahalan ang Pebrero, nais naming ipaalala sa lahat nang may pinagdaraanang pagsubok katulad ng dementia sa pamilya na hindi ito madali ngunit lahat ng pagsubok na sasamahan ng pasensya at pagmamahal ay malalagpasan. Huwag susuko.


Maganda nga bang makipag bonding sa Bondee?

May bago nanamang nauuso na application ngayon at ang tawag dito ay Bondee. Noong isang araw lamang ay sinubukan namin ito. Maganda bang makipag bonding sa Bondee? Simple ba itong gamitin at matutugunan ba nito ang ating pangangailangan lalo na sa pakikipag usap sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay? Gusto naming ishare sainyo ang aming experience.

Ang una mong gagawin ay magrerehistro ka ng iyong valid cellphone number para magkaroon ka ng account sa Bondee. Pagkatapos nito ay mamimili kana ng iyong avatar o yung virtual na itsura mo. Ibig sabihin, sa loob ng Bondee, malaya kang makakapili ng hugis ng iyong mukha at katawan, buhok, kasuotan, at mga iba pang accessories. Noong ginagawa namin ito, talaga nga namang nakaka-aliw. Maari mo kasing gayahin mismo yung itsura mo sa totoong buhay para realistic ang avatar mo. Pagkatapos nito, pwede mo ng i-add ang iyong mga kaibigan gamit ang kanilang QR code or username. 

Ngayon, mayroon na kaming Bondee account at nai-add na din namin ang aming mga kaibigan. Nakaka enjoy magusap sa Bondee dahil sa napakadaming reaction status na pwede mong gawin. Pwede ka ding magupload ng picture at ilagay yun sa iyong status. Pwede mo ding i-poke or kalabitin ang iyong kaibigan kapag sila ay inactive.

Mayroon ding feature sa Bondee kung saan pwede kayong gumawa ng group chat. Dito naman namin nasubukan na makita ang aming mga avatar na sama sama at nagsasayawan, minsan naman ay nakaupo at nagpipicnic.

Ang isa pang feature ng Bondee ay ang pag sail or pag layag sa dagat kung saan makakakuha ka ng mga rare items tulad ng damit at accessories, at makakasalamuha din ang ibang Bondee users na hindi mo pa kaibigan.

Sa madaling salita, naenjoy talaga namin ang pag-gamit sa Bondee. Nawa ay magamit ito ng mga Pilipino upang mas lalo pang magkaroon ng interaksyon sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay. Sa mga nag-iisip naman na gamitin ang Bondee sa mga kani kanilang interes o sa pag-gawa ng masama, wag niyo na itong ituloy. Itong Bondee ay ginawa para maging isang non-toxic environment kung saan lahat ay maaaring maging masaya. Ang saya makipag bonding sa application na ito. 


“Think Positive”: Unrealistic Expectations and Toxic Positivity

Toxic positivity refers to the practice of constantly emphasizing the positive and downplaying or ignoring the negative. It is often characterized by phrases such as "think positive," "look on the bright side," and "keep a smile on your face." While positivity is generally a good thing, toxic positivity can be harmful to both individuals and society.

One of the main problems with toxic positivity is that it can invalidate people's feelings and experiences. When someone is going through a difficult time and is told to "just think positive," it can make them feel like their emotions and struggles are not being acknowledged or understood. This can lead to feelings of isolation and disconnection, and can make it harder for that person to work through their problems and find solutions.

Another problem with toxic positivity is that it can create unrealistic expectations. When people are constantly told to focus on the positive and ignore the negative, they may start to believe that they should always be happy and that negative emotions are somehow "wrong." This can lead to feelings of guilt and shame when people inevitably experience sadness, anger, or other negative emotions.

In addition to these individual effects, toxic positivity can also have negative consequences for society as a whole. When people are encouraged to ignore or downplay problems, they may be less likely to take action to address them. This can lead to issues being swept under the rug and not being dealt with effectively. Furthermore, by promoting the idea that negative emotions are something to be ashamed of, toxic positivity can discourage people from seeking help when they need it.

While positivity is generally a good thing, toxic positivity can be harmful to both individuals and society. It can invalidate people's feelings, create unrealistic expectations, and discourage people from taking action to address problems. Instead of promoting toxic positivity, it's important to acknowledge and validate people's emotions, and to work together to address problems in a realistic and effective way.


luxury-is-not-only-about-luxry-brands

Luxury is not only about Luxury Brands

A TikTok video went viral recently after the account owner, Zoe, who is a teenager, happily thanked his father for gifting her her first luxury bag. The video garnered numerous negative comments after netizens pointed out that the brand of the bag, Charles and Keith, is not considered as a luxury brand.

When we look into the concept of luxury and how people from the high society enjoy it, we see at least 5 characteristics surrounding the world of luxury products - rarity and exclusivity, excellence in craftsmanship, expensiveness and quality of materials, timelessness, and experience and design.

While many would argue that Charles and Keith is in fact, not a luxury brand, we must look into how the Tiktok owner used the word luxury in her post.

Zoe, the Tiktok owner, clarified that she did not come from a well-off family and the bag, which was given to her by her father, was a luxury knowing that this came from the hard work of his father.

There are times that we forget our statuses in life and how eah of us differ in terms of successes. The term luxury, for the wealthy and famous, means having luxury products and enjoying the finer things in life. But for people who are living modestly day to day, a simple brand new bag to replace a worn out one, could entirely become luxury itself.

Zoe gave us an old, forgotten perspective of looking at things that we value the most as a luxury. For many people deprived of potable water, a bottle of mineral water is a luxury. For a parent working 2 jobs a day, time is a luxury. For a person suffering from terminal illness, health is a luxury.

What is luxury for you?


toxic-positivity-versus-optimism-for-filipinos

Toxic Positivity versus Optimism for Filipinos

Donnalyn Bartolome, a vlogger and social media influencer, recently received backlash from netizens after posting about how people should be thankful for having a job instead of being sad over the reality that after the holidays, they should go back to work.

The netizens highlighted the vlogger's toxic positivity or the belief that no matter how dire or difficult a situation is, people should maintain a positive mindset.

It has been known by other cultures and nationalities that Filipinos are truly happy people and that they still remain positive in the face of challenges. This trait, which is one of the things we love most about our countrymen, is called optimism. Optimism, coupled with planning and the right amount of work, is a basic formula for any Filipino faced with hardship. Filipinos are resourceful and are always thinking of solutions rather than prolonging discussions over the problem. With optimism comes hope that all efforts would be towards the achievement of the goals.

On the other hand, toxic positivity is a mindset which often downplays a real challenge or situation in a sort of unintentional gaslighting. Toxic positivity has been frequently done by people speaking from a position of privilege or those who did not have an experience over the challenge, thus, refusing or even ignoring that the problem is valid.

Toxic positivity is a problem in the Filipino society. However, at the end of the day, what is important is overcoming this culture by reinvigorating Filipino optimism.


revisiting-the-forgotten-values-of-respect-and-humility

Revisiting the Forgotten Values of Respect and Humility

Recently, a video of an actress and socail media influencer went viral in the social media. In said video, the actress was celebrating her birthday and was approached by a restaurant staff who was carrying her birthday cake. As a tradition, guests sang the birthday song and the actress blew her candle. However, something out of the ordinary happened - the actress suddenly swiped the cake with her hand and smeared the icing on the waiter's forhead. 

This incident enraged a significant number of netizens, as the waiter was observed to have been humiliated but was not in a position to react since everything was being recorded.

The sad reality that we are facing right now is the seemingly forgotten value of respect and humility, which is often seen among those who are more well-off than others. However, we also see this among those who are unsuccessful and frustrated in life.

Let us revisit the meaning of respect and how we, as human beings, should treat others with kindness. From our younger years, we have been taught in school the importance of goodness and kindness. We are also taught that relationships are built on our core values. One's status in life is irrelevant when we practice respect. Each individual deserves kindness and we are instruments to its fulfillment.

Let us also revisit the definition of humility and how each of us are capable of apologizing when we have wronged a person. Humility is about reaching your dreams and goals without sacrificing human relationships along the way. Humility is seeing yourself in the situation of others and being able to do your part in making said situation more comfortable and convenient for others. 

May this incident spark a positive change especially to our social media influencers and celebrities. The kind of influence that our society needs is the one that promotes goodness and consciousness of the situation of our fellow human beings.Revisiting the meaning of Respect and Humility