Pagsulong ng Isang Matatag na Relasyon: Mga Hakbang sa Pag-iwas sa Cheating o Panloloko sa isang Relasyon
Kamakailan lamang, nabalitaan natin na hiwalay na ang aktres na si Andrea Brillantes at ang UP basketball player na si Ricci Rivero. Ayon sa mga balita, si Ricci daw ay nag-cheat sa kanyang nobya na syang naging dahilan ng hiwalayan.
Ang isang malusog at matagumpay na relasyon ay nangangailangan ng pagtitiwala, katapatan, at pagmamahal. Gayunpaman, ang eksklusibong pagmamahalan ay maaaring pa ring hamunin ng mga isyu tulad ng cheating. Upang maiwasan ang ganitong sitwasyon at magpokus na lamang sa pagmamahalan, narito ang ilang hakbang na maaari mong gawin:
- Komunikasyon at Pagtugon sa Pangangailangan: Ang malawak at bukas na komunikasyon ay mahalaga sa isang relasyon. Maging handa kang makinig at maunawaan ang mga pangangailangan ng iyong kasintahan. Kung may mga problema o mga bagay na kinakailangang ma-address, pag-usapan ito ng maayos at maunawaan ang isa't isa.
- Pagtitiwala at Katapatan: Ang pagtitiwala ay isang mahalagang bahagi ng isang malusog na relasyon. Ang parehong panig ay dapat magtiwala sa isa't isa at panatilihing tapat sa pangako ng eksklusibong pagmamahal. Ito ay naglalayong palakasin ang ugnayan at maiwasan ang pagkakaroon ng oportunidad para sa cheating.
- Pagpapaalala sa Halaga ng Relasyon: Alalahanin ang mga dahilan kung bakit kayo nagsimula sa isang relasyon. Isipin ang mga bagay na nagdala sa inyo sa isa't isa at ang mga pangako na inyong ibinahagi. Ang pagpapaalala sa halaga ng inyong ugnayan ay maaaring maging gabay upang manatiling tapat sa isa't isa.
- Pag-aalaga sa Emosyonal na mga Pangangailangan: Mahalaga na alagaan ang emosyonal na pangangailangan ng iyong kasintahan. Maging available at magbigay ng suporta sa mga oras ng pangangailangan. Ito ay maaaring maging sandigan upang hindi hanapin ng iyong kasintahan ang emosyonal na suporta sa iba.
- Pagtatakda ng Malinaw na mga Hangganan: Magkaroon ng malinaw na pag-uusap tungkol sa mga hangganan at patakaran ng inyong relasyon. Ito ay maaaring magturo sa inyo ng mga inaasahan at pag-unawa sa mga limitasyon ng inyong ugnayan.
- Pag-aalaga sa Intimacy: Ang pisikal na intimacy ay isang mahalagang bahagi ng isang romantikong ugnayan. Alamin at bigyan ng pansin ang mga pangangailangan ng iyong kasintahan. Maglaan ng oras para sa romantikong mga aktibidad at alagaan ang inyong intimate na ugnayan.
- Pagrespeto sa Isa't Isa: Ang respeto sa isa't isa ay mahalagang pundasyon ng isang matagumpay na relasyon. Irespeto ang mga opinyon, hangarin, at mga pangangailangan ng bawat isa. Ito ay naglalayong mapanatili ang harmonya at pagkakaisa sa inyong ugnayan.
Ang pag-iwas sa cheating at pagpokus sa pagmamahalan ay isang proseso na nangangailangan ng dedikasyon, tiwala, at pagsisikap mula sa parehong panig. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na nabanggit, maibababa ninyo ang posibilidad ng cheating at makapag-focus sa pagpapalakas ng inyong pagmamahalan.
Tandaan na walang iisang paraan o formula ang magiging epektibo para sa lahat ng relasyon. Bawat relasyon ay iba-iba at may kani-kaniyang mga pagsubok. Mahalaga ang bukas na komunikasyon at pang-unawa sa pangangailangan ng isa't isa upang mapanatiling matatag ang inyong ugnayan.
ANG KASAYSAYAN NG MGA BUWAN SA KALENDARYO
Hindi natin namamalayang napakabilis nang panahon. Sa pamamagitan ng pagtingin natin sa kalendaryo, ito ay ating napagtatanto ngunit sumagi na ba sa inyong isip kung saan nagmula ang mga buwan sa kalendaryo? Atin itong alamin sa munting trivia tungkol sa kasaysayan ng mga buwan sa kalendaryo.
January- Ang buwan na ito ay ipinangalan kay Janus. Sa Roman Mythology si Janus ay ang god of doors, gates, and transition, beginning and the ending. Siya ay may dalawang mukha na magkatalikod na nakaharap sa Past at sa Future. Ang ibig sabihin lamang nito ay siya ang nakakasaksi sa pagpapalit o transition ng mga pangyayari sa History at ang ating magiging Future. Kaya naman ang January ay kasunod ng December, ang huling buwan, kung saan ating nasasaksihan ang transition ng pagpapalit ng taon na ating past at tayo ay naghahanda sa ating future which is new year.
February- Ang February ay nanggaling sa salitang Latin na “Februa” na nangangahulugang “month of cleasing” sa Ingles. Ito ay isang Roman Festival kung saan ang mga Romano ay gumagawa ng mga ibat ibang ritual upang sila ay malinis sa kanilang kasalanan, karumihan ng katawan, at mga kasakitan na kanilang dinaranas. Pinaniniwalaang ang buwan din ng February ay ipinangalan kay Februus na isang Roman god of purification na siyang pinaniniwalaang overseer at nagpu-purify sa mga tao tuwing Februa Festival.
March- Ang buwan na ito ay ipinangalan kay Mars, ang Roman god of war. Dahil sa buwan na ito pinaniniwalaang maganda ang klima at pwedeng mag lunsad ng War or Digmaan kung kaya ang mga sundalo noon at mga pinuno ay sumasangguni/nagdarasal kay Mars upang sila ay magtagumpay sa labanan. Sa panahon ding ito natatapat ang mga festival para kay Mars kung kayat bilang pagbibigay-pugay sa kanya ay ipinangalan sa kanya ang buwan. Ang March ang pinaniniwalaang First Month sa oldest Roman calendar hangang sa paglipas ng panahon ay napalitan at nadagdagan na ng mga buwan kagaya ng January at February na mas nauna na sa buwan na ito. Si Mars ay kilala rin sa tawag na Ares sa Greek Mythology.
April- Ito ay galing sa salitang Latin na “Aprillis” na nangangahulugang “second” sa Ingles dahil sa old Roman Calendar ang una sa kalendaryo ay ang March at pangalawa ay ang April. Ang buwan din na ito ay pinaniniwalaang ipinangalan kay Greek goddess of beauty na si Aphrodite.
Sa kasalukuyan, ang buwan na ito ay isa sa pinakainaabangan sa buong mundo dahil sa pagdiriwang ng April Fool’s Day tuwing April 1 kung saan usong uso ang mga jokes, pranks, at iba pang katuwaan.
May- ay galing kay Greek goddess na si Maia. Si Maia pinaniniwalaang “The Nurturer of the Earth” kung saan siya ay sinasabing responsible sa pagtubo at paglago ng mga pananim, halaman, at bulaklak na talaga namang nangyayari hangang ngayon sa buwan ng May kung saan isinunod ang pangalan nito.
June- Ipinangalan kay Juno na isang Roman goddess of marriage, childbirth, at queen of heaven. Si Juno ay ang asawa ni Jupiter na mas kilala sa pangalang Zeus sa Greek. Kilala naman si Juno sa pangalang Hera sa Greek Mythology.
Ito rin ang dahilan kung bakit maraming nagpapakasal tuwing June at kung bakit may tinatawag tayong “June Bride” sa paniniwalang magiging successful ang marriage at pagpapamilya ng iba dahil si Juno ay ang goddess of marriage at childbirth. Ito ay isang tradisyon at paniniwala magmula pa noong panahon ng mga Romano.
July- Ipangalan kay Julius Caesar na isang general, politician, at dictator sa ancient Roman Empire matapos ang assassination sa kanya. Ang July ay ang unang calendar name na ipinangalan sa tunay na tao na noon ay ipinapangalan lamang sa mga Greek and Roman gods and goddess.
Ilan sa mga ambag ni Julius Caesar sa kasaysayan ay ang pagproposed ng “Julian Calendar” na mayroong 365 days na pinagbasehan ng ating modernong calendaryo.
August- Ang buwan na ito ay may dating pangalan sa Latin na “Sextilis” o “Six” sa Ingles dahil ito ay ang pang-anim na buwan simula March sa old Roman Calendar. Di nag tagal ito ay pinangalan bilang pagbibigay pugay kay Augustus Caesar, ang First Roman Emperor na pamangkin ni Julius Caesar.
September- Galing sa salitang Latin na “Septem” na sa Ingles ay “Seven” dahil ito ang pang 7th month sa old Roman Calendar. Sa ating modern calendar ang September ay pang 9th month ngunit nag-remain ang pangalan nito as September bilang pang 7th month sa old calendar noon.
October- Galing sa salitang Latin na “Octo” na ibig sabihin ay “Eight” sa Ingles dahil ito ay pang-walong buwan sa old Roman Calendar pagkatapos ng September na pang-pito noon.
Sa mathematics kaya tayo may tinatawag na Octagon dahil ito ay may 8 sides.
November- Galing sa salitang Latin na “Novem” meaning ay “Nine” ang pang 9th month sa old Roman Calendar pagkatapos ng October.
December- Galing din sa salitang Latin na “Decem” o “Ten” sa Ingles kung saan ito ay ang pang 10th at last month noon sa old Roman Calendar.
Dati, ang ginagamit ng mga Romano ay ang Old Roman Calendar na mayroon lamang na 10 months simula March hangang December, ngunit nang magkaroon ng tinatawag na Julian Calendar, dito na nagkaroon ng additional 2 months which is January at February. Di nagtagal, nagkaroon ng tinatawag na Gregorian Calendar na mas accurate kaysa Julian Calendar na inintroduced ni Pope Gregory the 13th noong 1582 at ginagamit na natin hangang ngayon.
Credits to: RnV Channel (YouTube)
LRT LINE 2 STATION NAMES TRIVIA
Madalas ka bang sumasakay sa sa mga pampublikong transportasyon? Marahil ay nasakyan mo na rin ang LRT. Hindi lingid sa ating kaalamn na ang mga pangalan ng istasyon sa LRT ay puno ng kasaysayan. Ating alamin ito upang sa iyong pagsakay ay maalala mo ang mga kasaysayang nakapaloob dito.
RECTO STATION- Ang unang istasyon ng LRT Line 2. Ito Ipinangalan kay Claro M. Recto. Si Claro Mayo Recto ay kilala bilang isang Abogado, Congressman, at Senador noong panahon ng mga Amerikano rito sa Pilipinas. Isa siya sa may akda ng 1935 Constitution kung saan ito ay nagbibigay sa atin ng sampung taong pamamahala ng may supervision ng mga Amerikano bago tayo maging ganap na malayang bansa. Ilan lamang sa hinawakang posisyon ni Claro M. Recto ay ang pagiging Associate Justice ng Supreme Court, Commissioner of Education, Health and Public Welfare, Minister of State for Foreign Affairs, at Ambassador sa Europa at Latin America. Ang kinalalagyan ng Recto Station ay kilala rin noon sa pangalang Kalye Azcarraga kung saan sa makasaysayang lugar na ito nabuo ang Katipunan.
Ilan lamang sa mga sikat na pook na makikita malapit sa Recto Station ay ang Isetan Mall, Mga Bookstores at Art Supplies Shop, at ang mga kilalang paaralan kagaya ng Far Eastern University, STI at iba pa.
Legarda Station- Ang sumunod na Istasyon sa Recto ay ang Legarda Station. Ipinangalan ito kay Benito T. Legarda na isang prominenteng businessman noong panahon ng Espanyol. Si Benito Legarda ay nagsilbi bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Emilio Aguinaldo noon sa Malolos at nagging Bise Presidente ng Malolos Revolutionary Congress na pinamumunuan din ni Pangulong Aguinaldo. Noong panahon naman ng mga Amerikano, isa sa mabibigat na posisyon na kanyang hinawakan ay ang pagiging Unang Commissioner from the Philippines Islands to the United States Congress kasama si Pablo Ocampo. Si Benito Legarda rin ang nagtatag ng Federalista Party kung saan ito ngayon ay kilala bilang Partido Federal ng Pilipinas. Ang kinalalagyan ng Legarda Station ay kilala noon sa pangalang Calle Alix.
Ilan lamang sa mga sikat na lugar na maaring makita di kalayuan sa Legarda Station ay ang mga sikat na unibersidad, ahensya ng gobyerno at pasyalan kagaya ng University of the East, San Sebastian College-Recoletos, San Beda University, Centro Escolar University, La Consolacion College Manila, Arellano University San Sebastian Church, Mediola Peace Arch, at DSWD Main Office.
Pureza Station- Ito ay salitang Espanyol na nangangahulugang “Purity” sa Ingles. Si Clarence Hubbell na isang American Engineer ang nagpangalan nito. Isa rin sa dahilan kung bakit napangalanan itong Pureza ay dahil na rin noong panahon ay uso ang pagpapangalan sa mga kalye ng mga Virtues o Kagandahang Asal kaya naman ilan din sa malalapit na Kalye sa Pureza Station ay may pangalan na Alegria na nangangahulugang “Happines” o Kaligayahan, Economia na nangangahulugang “Thrift” o Matipid, Honradez na nangangahulugang “Honesty” o Katapatan, at Sobriedad na nangangahulugang “Sobriety”o Pagtitimpi.
Ilan sa mga sikat na lugar na makikita sa Pureza Station ay ang makasaysayang Mabini’s House-ang bahay ni Apolinario Mabini, Polytechnique University of the Philippines, AMA Computer College, EARIST, at ang isa pang makasaysayang tulay na bumabagtas sa Pureza ang Nagtahan Bridge na mas kilala na ngayon sa pangalang Mabini Bridge.
- Mapa Station- Ipinangalan ito kay Victorino Mapa. Si Victorino Montano Mapa ay ang 2nd Supreme Court Magistrate ng Pilipinas pagkatapos ni Cayetano Arellano. Naging Secretary of Finance and Justice din si Victorino Mapa noong panahong ng Amerikano kung saan siya ay namuno ng anim na taon kumpara sa Isang Taon at Tatlong Buwan niyang pamumuno bilang Ikalawang Judge ng Supreme Court. Isa rin siya sa mga unang Pilipino na nagging Commissioner to the United States noong panahon ng panunungkulan ni US President Woodrow Wilson.
Ilan sa mga sikat na lugar na makikita di kalayuan sa V. Mapa Station ay ang SM Centerpoint na mas kilala na ngayon bilang SM Sta. Mesa-ang ikalawa sa pinakamatandang SM sumunod sa SM North Edsa. - Ruiz Station- Ito ay ipinangalan kay Juan Ruiz. Si Juan Ruiz ay kabilang sa samahang Katipunan noon. So, in short, isa siyang Katipunero na nakasama ni Andres Bonifacio. Si Juan Ruiz ay isa sa mga Katipunerong namatay sa makasaysayang Labanan sa San Juan Del Monte. Ito ang naging unang laban ng Katipunan at naging hudyat na rin ng Rebolusyon laban sa mga Espanyol.
Ilan sa mga lugar na maaari ninyong puntahan sa bisinidad ng J. Ruiz Station ay ang makasaysayang Pinaglabanan Bridge- kung saan naganap ang unang laban ng Katipunan laban sa Espanyol, Battle of Pinaglabanan Monument, at ang mga makasaysayang Museo ng Katipunan at Museo El Deposito na medyo malayo layo ng kaunti sa J. Ruiz ngunit kung kayo ay mahilig sa mga Museo ay maaari kayong magpunta rito upang malaman ang kasaysayan ng San Juan City at lalo na ang Katipunan.
Gilmore Station-Pinangalan kay Eugene Allen Gilmore na isang abogado at propesor. Siya rin ay kilala bilang Vice-Governor General ng Pilipinas noong 1922-1929 noong panahon ng mga Amerikano. Siya rin ay naging acting Governor-General ng Pilipinas noong 1927 at 1929. Pinamunuan niya rin ang Department of Public Instruction o mas kilala na ngayon bilang DepEd kung saan nakilala siya dahil sa kanyang galing sa pagtataguyod ng edukasyon sa Pilipinas.
Ilan sa mga kilalang lugar na maaaring mapuntahan sa di kalayuan sa Gilmore Station ay ang Gilmore I.T. Center kung saan ang bilihan ng mga mura at brand new na mga electronic devices particularly Laptop at Computer at ang Robinsons Magnolia.
Betty Go-Belmonte- Si Billie Mary Go-Belmonte o mas kilala sa pangalang Betty Go-Belmonte ay isang Filipina Journalist and Newpaper Publisher kung saan isa siya sa naging founder o nagtatag ng mga kilalang national newpaper kagaya ng The Philippine STAR at Philippine Daily Inquirer. Isa si Betty Go-Belmonte sa mga tumuligsa noon sa mga extrajudicial killings at corruption na nangyari noong panahon ni Pangulong Marcos gamit ang malayang pamamahayag. Siya ay asawa ni dating Speaker of the House of Representative na si Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. at ina ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ilan sa mga lugar na maaaring mapuntahan di-kalayuan sa Betty Go-Belmonte Station ay ang Holy Buddhist Temple.
Araneta-Cubao Station- Ipinangalan kay J. Amado Araneta na isang Filipino Businessman. Si J. Amado Araneta ang nagmamayari ng lupa kung saan ang kinatitirikan ng Araneta Coliseum at ang nagtatag ng Araneta Center kung saan ito ay naging leading commercial hub ng bansa.
Samantala, and Cubao naman ay dating bahagi ng Morong, Rizal na isang gubat noong panahon ng Espanyol kung saan ang lugar na ito ay pinaniniwalaang may mga naninirahang Mangkukulam. Kaya ang mga taong dumadaan at nakakakita sa kanila doon ay nagsasabi o tinatawag sila na “Kuba, o!” dahil na rin siguro sa porma ng katawan ng mga mangkukulam noon na parang kuba kaya tinawag sila ng mga tao na ganito at kalaunan naging Cubao.
Ilan sa mga lugar na talaga namang pwedeng pasyalan dito ay ang Araneta Center at Araneta Coliseum na pinagdarausan ng mga malalaking sporting event noon at ngayon kagaya ng UAAP, NCAA, at PBA. Nandyan din ang Camp Crame na Headquarters ng Philippine National Police at Camp Aguinaldo na Headquarters ng Armed Forces of the Philippines. Maaari niyo ring bisitahin dito ang PNP Museum at AFP Museum.
Anonas Station- Ito ay isang scientific name ng prutas, “Annona reticulata” na mas kilala sa tawag na Custard Apple na pinaniniwalaang tumutubo sa lugar noon. Ilan sa mga benefits ng pagkain ng Custard Apple ay nakakapagpababa o normalize ito ng ating Blood Pressure. Ito rin ay mayaman sa Vitamin C na Anti-oxidant at Immune Booster at Vitamin A. Ang prutas din na ito ay pinaniniwalaang nakakapagpakinis ng balat, nakakapagpalinaw ng mata, at nakakatulong para sa good digestion.
Ilan sa mga lugar na maaaring puntahan sa Anonas Station ay ang mga Ukay-Ukay Hub na pwede ninyong pagbilan kung kayo ay nagtitipid at mahilig sa mga cheap ngunit class na damit.
Katipunan Station- Obviously ang LRT Station na ito ay ipinangalan sa Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK. Ito ay tinatag nila Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, at Teodoro Plata sa isang bahay sa Calle Azcarraga na mas kilala na ngayon sa pangalang Recto Avenue kung saan nandoon din sa kahabaan ang Recto Station.
Ilan sa mga lugar na maaaring puntahan di kalayuan sa Katipunan Station ay ang Philippine School of Business Administration at Ateneo De Manila University.
Santolan- Ito ay pinangalan sa prutas na Santol na may scientific name na (Sandoricum koetjape). Sinasabi na ang mga puno nito ay matatagpuan sa lugar bago pa man dumating ang mga Espanyol noon. Ang Santol ay kilala rin sa English bilang Cotton Fruit, Lolly Fruit-Dahil sa paraan ng pagkain nito na parang lollipop, at Wild Mangosteen kung saan ito ay mayaman sa mga Vitamins B and C na pampalakas ng Immune System at panlaban sa Scurvy.
Source: RnV Channel (YouTube)
Manila Post Office: Pagsulong Mula sa mga Abong Naiwan
Ang Manila Post Office na isang simbolo ng kasaysayan ng lungsod, ay sinalanta ng isang malubhang sunog ngayong araw. Matatagpuan sa puso ng makulay na kapital ng Pilipinas, ang post office ay naging isang mahalagang institusyon mula sa pagtatayo nito noong 1926. Ang sunog na ito ay nagmarka ng isang malungkot na yugto sa kanyang mahabang kasaysayan.
Ang Manila Post Office ay isang halimbawa ng magandang arkitektura na nagpapakita ng kahalagahan ng mga Pilipino sa komunikasyon at serbisyo postal. Ito ay itinayo noong unang panahon ng pananakop ng mga Amerikano at nananatiling isang sentro ng mga aktibidad postal sa bansa. Ito ay patunay ng ating kasaysayan sa larangan ng komunikasyon.
Ang sunog na nangyari sa Manila Post Office ay isang malungkot na pangyayari para sa mga mamamayan ng Maynila at ng buong bansa. Ito ay nagdulot ng malaking pinsala hindi lamang sa gusali kundi pati na rin sa kultura at kasaysayan ng ating bansa. Ang pagkawasak na ito ay hindi lamang pisikal kundi emosyonal din, dahil nagdadala ito ng mga alaala at pagpupunyagi ng mga Pilipino sa larangan ng komunikasyon at serbisyo postal.
Noong una, sentro ng aktibidad ang post office, ngunit ngayon, ang marangyang harapan nito ay nagdusa sa apoy. Sa kabila ng pinsalang naganap, nagkaisa ang mga Pilipino sa kanilang determinasyon na ibalik ang makasaysayang tatak na ito sa dati nitong karangyaan. Maraming nag-aalok ng suporta upang muling maipatayo ang post office. Ang mga arkitekto, inhinyero, at mga eksperto sa restoration ay nag-volunteer ng kanilang kaalaman, nagtrabaho nang walang humpay upang muling likhain ang mga magagandang detalye sa arkitektura na dating nagpapaganda sa gusali.
Sa huli, ang sunog sa Manila Post Office ay isang malungkot na bahagi ng kasaysayan ng lungsod. Gayunpaman, sa kabila ng trahedya na ito, patuloy tayong magkakaisa bilang isang bansa na nagmamahal sa ating kultura, kasaysayan, at mga simbolo na nagpapahalaga sa ating pagkakakilanlan. Ang gusaling ito ay patuloy na magbibigay-inspirasyon at patunay sa ating kakayahan na magbangon mula sa anumang pagsubok na ating hinaharap.
Ang Mga Magagandang Naidulot ng Pagaayuno sa Aking Kalusugan ngayong Ramadan
Habang tumatagal ang buwan ng Ramadan, maraming mga benepisyo ang aking nararamdaman hindi lamang sa aking kaluluwa kundi pati na rin sa aking katawan. Ang pag-aayuno ay hindi lamang isang aktibidad ng mga Muslim sa buong mundo, kundi ito rin ay isang paraan upang mapanatili ang kalusugan sa mga taong nagpapaabot ng kanilang pananampalataya.
Narito ang ilan sa mga magagandang naidulot ng pagaayuno sa aking kalusugan sa panahon ng Ramadan:
- Pagpapalakas ng aking sistema ng immune. Ang pagaayuno ay nagbibigay sa aking katawan ng oras upang mag-repair at mag-rejuvinate. Dahil sa ito, ang aking immune system ay napapalakas, na humahantong sa mas mababang posibilidad ng pagkakaroon ng mga sakit at impeksyon.
- Pagtanggal ng toxins sa katawan. Sa panahon ng pagaayuno, ako ay nagbibigay ng oras sa aking katawan upang magdetoxify. Dahil sa ito, ang mga toxins sa aking katawan ay nababawasan at mas malinis na ang aking sistema.
- Pagpapababa ng cholesterol sa katawan. Ang pagaayuno ay isang paraan upang mapababa ang cholesterol sa aking katawan. Sa pamamagitan ng pagpigil sa aking pagkain ng mga matatamis na pagkain at mga pagkaing mayaman sa taba, ako ay mas malapit sa aking target na cholesterol level.
- Pagpapababa ng blood sugar level. Sa pagpapaliban ng aking pagkain sa panahon ng araw, ang blood sugar level ko ay nababawasan. Dahil dito, mas kontrolado ko ang aking blood sugar level at mas mababa ang posibilidad ng pagkakaroon ng diabetes.
- Pagpapalakas ng mental clarity at peace of mind. Ang pagaayuno ay nagbibigay sa aking pagkatao ng oras upang magpahinga at maghanap ng katahimikan sa aking isipan. Dahil dito, mas malinaw ang aking pag-iisip at mas maayos ang aking desisyon sa mga pang-araw-araw na sitwasyon.
Sa kabuuan, ang pagaayuno sa panahon ng Ramadan ay hindi lamang isang pagsunod sa pananampalataya ng mga Muslim kundi ito rin ay isang paraan upang mapanatili ang kalusugan ng aking katawan at isipan. Sa mga benepisyong ito, nagiging mas malapit ako sa aking mga personal na layunin ng kalusugan at pagpapakatao.
My Realizations During Ramadan as a Filipino Muslim
Ramadan is one of the most important times of the year for Muslims all over the world. As a Filipino Muslim, I have been observing Ramadan since I was a child, and every year, I learn something new about myself, my faith, and my community.
This year's Ramadan has been a particularly meaningful one for me, and I wanted to share my realizations with others who may be going through the same experience.
1. The Power of Prayer
During Ramadan, Muslims are encouraged to increase their prayers, especially during the night. This year, I realized that prayer is not just a ritual or a duty, but a way of connecting with Allah and seeking His guidance and forgiveness. I found that the more I prayed, the more I felt at peace and the more I understood the importance of surrendering to Allah's will.
2. The Joy of Sharing
Ramadan is also a time of giving and sharing, and this year, I realized how much joy there is in sharing with others. Whether it's through donating to charity, preparing food for iftar, or simply being kind to others, the act of sharing brings us closer together as a community and reminds us of the blessings we have in our lives.
3. The Beauty of Diversity
As a Filipino Muslim, I am part of a diverse community that includes people from different backgrounds, cultures, and traditions. This Ramadan, I was reminded of the beauty of this diversity and how it enriches our lives. Whether it's through sharing iftar meals with friends from different backgrounds or learning about the different Ramadan traditions practiced by Muslims around the world, I realized that our differences make us stronger and more resilient as a community.
4. The Importance of Self-Control
One of the main aspects of Ramadan is fasting, which requires Muslims to abstain from food, drink, and other physical pleasures during the daylight hours. This year, I realized the importance of self-control and how it can help us overcome our weaknesses and develop our character. By practicing self-control during Ramadan, I found that I was better able to resist temptations and focus on my goals, both in my spiritual and personal life.
5. The Gift of Gratitude
Finally, Ramadan is a time to reflect on our blessings and express gratitude for all that we have. This year, I realized how much I have to be grateful for, including my family, my health, my faith, and my community. By expressing gratitude every day during Ramadan, I found that I was more content and happier with my life, and more motivated to give back to others.
In conclusion, Ramadan is a time of spiritual growth, self-reflection, and community building. As a Filipino Muslim, I am grateful for the opportunity to observe Ramadan every year and learn more about myself, my faith, and my community. I hope that these realizations will inspire others to reflect on their own experiences during Ramadan and appreciate the beauty and significance of this special time.
Mag “Kiddie Fasting” daw ako, sabi ng aking kaibigang Muslim
Nagkayayaan kami ng kaibigan kong Muslim sa isang medyo sikat na coffee shop dahil na-miss niya raw ito noong nagtravel siya papuntang probinsiya. Ang sabi ko, ito na ata iyong huling luxury kain niya isang araw bago mag-Ramadan. Na-miss niya raw magkape at kumain ng keyk. At ayon na nga, nung nakaorder na ay walang kaano-anong humigop na siya ng kape at tumikim ng panghimagas. Ang saya pa ng pagkakasabi niya ng “ayos!”.
Habang humihigop sa masarap na kape, napagusapan namin ang kaniyang mga plano sa darating na Ramadan. Sabi niya, malaking bagay ang Ramadan dahil makakapag-reconnect uli siya ng pananampalataya niya kay Allah, at the same time, marami rin daw siyang tatapusing gawain sa pinapasukang kolehiyo. Kaniyang na-open na mahaba-haba man ang Ramadan, mahaba-haba rin ang kaniyang mga school works. Naisip niya agad na baka mapagod siya dahil totoo naman na may stress ding dulot ang mga assignments kahit kaunti. Isa pa, Ramadan, naka-fasting siya, so sabi niya na kaunting food lang ang tatanggapin ng katawan niya eh nakakagutom pa naman.
Ngunit hindi raw ito hadlang upang ituloy niya ang pag-aayuno sa panahong ito. Mas lalo niya raw pagsisikapang matapos ang Ramadan ng may umaapaw na pananampalataya. Kahit daw mahirap, si Allah ang magpapalakas sa kaniya.
Nakakatuwa na kahit ako man ay may ibang paniniwala, mas napapalakas din ito sa pamamagitan ng mga kaibigan kong Muslim na nagiging gabay ko sa tamang landas.
Naiopen din sa akin ng aking kaibigan na maari akong sumabay sa fasting. Nabanggit niya na noong bata raw sila, minsan ay allowed sila to have a break kahit sa tanghalian, given na bata pa sila at nag-aadjust pa sa fasting ng Ramadan. Naisip ko na magandang gawin nga ito, given na nagfafasting din naman ako, itaon ko ang oras sa mismong oras ng kanilang fasting. Naisip ko na ito na rin ay aking pakikiisa sa kanilang pananampalataya at selebrasyon.
Natuwa naman ang aking kaibigang Muslim. Nasabi niya rin na kht iba ang aking pananampalataya, samahan ko rin daw ito ng dasal. Dahil ang tanging makakapagpalakas lang daw sakin ay ang Diyos na pinaniniwalaan ko kagaya ng paniniwala niya kay Allah. Natuwa naman ako rito. Napaka-open niya sa mga sitwasyon at kalagayan. Ni hindi pumasok sa isip nya na bawal dahil ako naman ay di nila kaanib, ngunit ito ay plus points sa akin na kahit iba kami ng paniniwala, ginagalang niya ako, naguumapaw ang respeto naming sa isa’t isa at talaga namang ito talaga ang tunay na ibig sabihin ng relihiyong Islam, ang kapayapaan.
Pagkatapos naming kumain at magbonding, kinulit niya pa ako na gawin ko raw yung fasting na iyon na ginawa niya noong bata siya. May naisip pa nga siyang itawag dito, “kiddie fasting” daw kasi pambata at sabay tawa sakin. Sinabi nya rin na dapat daw after ng Ramdaman ay magkaparehas na raw kami ng katawan, bagay na parang mahirap kong ma-achieve dahil sa kaniyang pagiging slim at sa aking katawang borta. Nawa’y mangyari ito. Humingi rin ako sa kaniya ng pabor na ipagdasal ako sa lahat ng aking lakad na tinugon niya ng may-saya. Bago kami magkahiwalay, niremind nya uli ako na magpatuloy lang sa fasting at maging maingat araw-araw.
Ang sarap lang sa pakiramdam na may kaibigan kang ganoon. Magkaiba man ng pananampalatayan, marami namang “common grounds” upang mapalapit sa bawat pinaniniwalaan. Ito ang patunay na hindi hadlang ang relihiyon upang maggalangan o maging masaya sa pang-araw-araw. Ito ang patunay na ang Islam ay relihiyon ng kapayapaan. Natanim din sa isip ko na ang Ramadan ay hindi lamang patungkol sa sarili at kay Allah, kundi ito rin ay pakikipagkapuwa at pagpapakita ng malasakit sa bawat tao, anuman ang paniniwala.
Sana sa susunod naming meet-up ng aking kaibigan ay maging sing-nipis niya na ko at sing-tatag ng kaniyang pananampalataya.
Muslim at Kristiyano, Nagmahalan?
Ang mga Muslim sa Pilipinas ay karaniwang matatagpuan sa Mindanao. Sa paglipas ng panahon ang mga Muslim ay paunti unting lumilipat sa ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa ibat ibang rason, upang mag negosyo, mag aral at mag trabaho. Hindi maipagkakaila na ang Muslim at hindi Muslim ay nakakapagsalamuha at minsan naman ay nakapagpapalagayan ng loob. Kakuwentuhan sa trabaho at eskuwelahan, ka chat sa social media at ka bonding sa mga lakad. At hindi nila namamalayan na unti unting nahuhulog na ang loob sa isat isa.
Pwede nga ba ito sa Islam? Anong dapat gagawin sa sitwasyon na to?
Upang maunawaan natin ito ay dapat natin makita ang kaibahan ng tinatawag nating “Hindi Muslim”. Ang tinatawag na “Hindi Muslim” ay nasa iba’t ibang uri: Sila ay ang mga Mushrikat (sumasamba sa mga rebulto), Mulhida (Atheists), Murtaddah (Tumiwalag sa Islam) at Kitabiyyah (Kristyano at Hudyo).
“at huwag ninyo pakasalan ang mga babaeng Mushrik hangga’t sa sila’y hindi maniniwala. Katotohanan ang alipin na babaeng Muslim ay Mabuti kaysa sa babaeng Mushrik kahit ano pa man ang pagmamahal ninyo para doon. Qur-an 2:221
Sa mga nabanggit na ito at ang Kitabiyyah lamang ang ipinapahintulot ng Islam sa isang Lalaking Muslim na pangasawahin.
“Nahalal na sa inyo ang mga milinis, at ang kinakain ng mga tao na pinadalhan ng kasulatan ay halal sa inyo, at ang inyong kinakain ay halal sa kanila at ang mga matitinong babae na nanampalataya at ang matitinong babae na kabilang sa Ahlul Kitab (Kristyano o Hudyo) ay halal sa inyo. Qur-an 5:4
Sa anong pamamaraan?
Ang pakikipagrelasyon, pag iibigan, pagmamahalan na walang seremonya ng kasal ay pinagbabawal. Kahit sila ay hindi Muslim, mariing ipipag uutos ng Islam ang pagrespeto sa dangal ng mga kababaihan. Kaya’t kung nais ng isang Muslim na lalaki na magkaroon ng iniirog ay marapat lamang na hingin niya ang kanyang mga kamay sa magulang ng babae.
Sa makabagong panahon ngayon, kung nais nilang magkakilala ng husto ay gawin nila ito ng my namamagitan. Kung nais nilang mag date o kumain sa labas ay dapat my kasama silang isa o higit pa. Ito ay upang hindi humantong sa malalim na usapan ang dalawa. Dahil sinabi ni Propeta Mohammad sumakanya ang kapayapaan ay ang ikatlo sa lalaki at babae kapag sila ay magkasama ay si Shaytan (Demon).
Kung nais din nilang ipagpatuloy ang kanilang pag uusap sa social media ay gumawa sila ng group chat na hindi lamang silang dalawa ang kasali.
Sadyang mahigpit ang Islam sa ganitong usapin, dahil gusto lamang ng Islam na pangalagaan ang dangal ng mga kakabaihan.
Proud Plantita Here
Ang berde ay naiuugnay natin sa dalawang bagay - una sa negatibong pananaw naaayon sa inggit (green with envy) o di kaya ay adult jokes and issues, pangalawa bilang isang kulay na kumakatawan sa pag-usbong at pag-unlad. Ayon sa sikolohiya, ang berde ay pumupukaw sa damdaming mapagpayabong, mapayapa, bago at pagbabago.
Hindi ko paboritong kulay ang berde, ngunit aminado ako na kung papipiliin kung saan ko mas gustong pumunta sa Boracay o Baguio, pipiliin ko ang huli. Mas gusto ng aking mga mata ang makakita ng mga pine trees at iba’t iba pang mga halaman at puno na makikita na sa paglalakbay pa lamang paakyat sa malamig na siyudad. Siguro nga ay tama ang mga eksperto, ang berde ay maihahalintulad natin sa inang kalikasan. Diba’t kahit sa mga marketing ng mga produkto at mga adhikaing environmental, pag kalikasan na ang pinag-usapan laging may halaman at may kulay berde sa kampanya.
Hindi na rin ako magtataka kung bakit ang daming naging plantito at plantita mula ng taong 2020. Ako man ay di nakatakas dito. Sa liit ng aking tinitirhan sa siyudad, hindi bababa sa 10 uri ng halaman ang aking pinapayabong at binubuhay sa loob ng tahanan. At ito ay isang bagay na aking maituturing na accomplishment. Sabi sa isang article na pinublish sa Bangkok Post, ang Pilipinas ay tinamaan ng gardening craze na tinawag na Plantdemic. Nakakatuwa ang paglalaro sa mga salitang plant at pandemic. Ngunit ito ay tunay na nangyari. Ako man ay nagtaka, bakit ako nahilig sa halaman. Linggo linggo kami noon nagpupunta sa Farmer’s Garden upang tumingin ng bagong aalagaang halaman. Ang social media ay nalunod sa mga larawan ng monstera at fiddle leaf trees at di rin ako nagpahuli. Dahil sa mataas na demand at kaunting supply, patuloy tumaas ang presyo ng mga halaman. Ang nakakatuwa pa ay di na tayo nalimitahan sa pagpunta lamang sa mga tindahan ng halaman, ngunit pati live selling ng mga ito ay atin ring pinatulan. O ako lang yata? Oo, budol talaga ang perpektong salita. Sa gitna ng pandemic ako ay pumupunta sa bus station sa Cubao ng Victory Liner upang kunin ang mga nabili ko sa live selling mula Baguio at Pangasinan. At kung minsan ay sa Partas para sa mga galing Ilocos na halaman. At naging masaya ang bawat pagkakataong ito. Para akong kumukuha ng padala galing Amerika.
Bagamat di lahat ay pinalad mabuhay. Masasabi ko namang minahal ko ang mga ito at inalagaan ng abot sa aking makakaya. Kung tutuusin, hindi lamang boredom o pagkainip ang naging dahilan ng pag-aalaga ng halaman ng mga Pilipino. Ito ay paraan rin upang maging malapit tayo sa kalikasan, na sa ilan ding taon ay naging mailap dahil sa coronavirus. Ang pagiging plantito at plantita natin ay patunay lang ng ating malalim na kaugnayan sa kalikasan. Nais nating maging bahagi ng paglinang at pagpapalago. Bilang mga tao, natural sa atin ang mga layuning ito. Biophilia o ang likas nating pangangailangan maging kaanib ng iba pang may buhay gaya ng hayop at halaman, ang marahil dahilan ng ating pagnanais mapalapit sa kalikasan. Bilang bahagi ng ecosystem hindi rin natin matatawaran ang ibinibigay sa ating sustenance ng mga halaman.
Lumuwag na ang mga protokol. At muli na naman tayong nabigyan ng pagkakataong maglakbay at makita ang napakagandang tanawin sa ating bansa. Pero gaya ng iba na nasimulan na ang napakagandang paghahalaman sa siyudad (urban gardening) at kahit sa loob ng mga tahanan, ornamental man yan o nagbubunga ng pagkain, magiging mahirap na rin sa akin ang mawala sila sa aking paningin. Dahil sa berde nilang kulay, nabigyang buhay ang dating simpleng tahanan, at napatunayan kong kahit wala akong green thumb ay kaya kong bumuhay ng ilan pang mga buhay.
Ang mga BFF ng bagong panahon
May positibong impluwensya ang pag-aalaga ng mga hayop sa kalusugan ng tao. Ang mga aso at pusa na pinaka paboritong gawing domestic pets, o yung mga alaga sa bahay ay nagbibigay ng emosyonal na suporta sa mga nag-aalaga. At ito ay hindi lamang opinyong ng mga pet owners kagaya ko, ngunit napatunayan na rin base sa agham at pagsisiyasat. May mga makabuluhang findings na kahit ang mga nakararanas ng post-traumatic disorder ay nabibigyang lunas ng pag-aalaga ng aso. Ang ating mga pets daw ay may intuitive gift. Malakas ang kanilang pakiramdam kung ikaw ay may pinagdadaanan, at sila ay nagbibigay comfort sa paraang alam nila - andyang maging madikit sila sa iyo, maging malambing, sumunod kahit saan ka pumunta sa loob ng iyong tahanan, o di kaya ay titigan ka lang na parang nangungusap at nagsasabing handa syang makinig sa iyong mga hinaing...parang isang matalik na kaibigan, sila ay handang makinig. At sila ay makikinig ng walang judgement. Yun siguro ang pinaka malaking pagkakaiba nila sa mga tao.
Sa pandemyang ating dinaanan, dala ng Covid-19, marami sa atin, higit kailanman ang napagtanto ang ginhawa sa pagkakaroon ng alagang hayop. Mental Health ang isa sa pinaka tinamaan bukod sa pisikal na kalusugan ng karamihan sa ating mga Pilipino, at ito rin ang nangyari sa global na komunidad. Mahirap ang makulong sa ating mga tahanan ng ilang buwan, ang maranasan ang takot sa araw araw para sa ating mga sarili at ating mga pamilya. Buti na lang at ang mga hayop ay hindi nakakuha ng virus na ito.
Ako ay may dalawang maliliit na aso sa loob ng aking tahanan. Bago magpandemic nagkikita lamang kami sa umaga at sa gabi. Maghapon ako sa trabaho. Dahil sa lockdown naging mas mahaba ang aming pagsasama, kami ay mas nakakapag bonding, nakakapaglaro at napapakain ko sila ng higit sa dalawang beses sa isang araw, na sa tingin ko naman ay ikinagiliw rin nila. Matatakaw ang mga ito at maliliksi. Kaya napakadali sa akin malaman kung may nararamdaman silang masama at kakaiba. Dahil sa kanila hindi ko rin halos naramdaman ang tagal ng pagkakakulong dahil sa lockdown. Bagamat hindi naman talaga ako malungkutin, ay napakahalaga para sa akin na alam kong may kasama akong humihinga sa loob ng bahay. Salamat na rin sa Tiktok at marami na akong natuklasang bagong paraan ng pag-aalaga, home remedies, life hacks, etc, na nakatulong upang ako ay maging mas epektibong fur-parent.
Sabi nga ng marami, maikli lang ang buhay ng ating mga alaga. Mabilis lang lilipas ang 14 o 15 taon at sila ay maaari ng pumanaw. Gaya ng iba hindi ko rin gustong isipin ang mga pangyayaring ito, dahil alam naman natin kahit gaano tayo kahanda, hindi pa rin talaga tayo prepared sa mga tagpong ganito.
Ang magagawa na lang natin bilang kapalit sa kanyang katapatan at pagmamahal ay maibigay natin ang magandang buhay at masasayang ala-ala habang kapiling pa natin sila. Pakainin sila ng masasarap, ipasyal at ilakad kung may oras, yakapin at itabi sa ating pagtulog kung maari.
Sabi nga sa isang nabasa ko, kung umabot man sa huling yugto ng kanilang buhay ang iyong alaga, wag mo itong iwang pumanaw mag-isa, tabihan mo sya hanggang sa huli dahil wala ng mas liligaya pa para sa kanya kung hindi ang masulyapan ka bago siya tumawid sa Rainbow Bridge. Sa kabilang banda, kung ikaw naman ay maunang pumanaw, alam mong binigay mo ang karapat dapat na pag-aalaga at pagmamahal sa kanya, hindi lamang bilang isang hayop, ngunit isang kaibigang matalik - ang ating tunay na BFF.