Mag “Kiddie Fasting” daw ako, sabi ng aking kaibigang Muslim

Nagkayayaan kami ng kaibigan kong Muslim sa isang medyo sikat na coffee shop dahil na-miss niya raw ito noong nagtravel siya papuntang probinsiya. Ang sabi ko, ito na ata iyong huling luxury kain niya isang araw bago mag-Ramadan. Na-miss niya raw magkape at kumain ng keyk. At ayon na nga, nung nakaorder na ay walang kaano-anong humigop na siya ng kape at tumikim ng panghimagas. Ang saya pa ng pagkakasabi niya ng “ayos!”.

Habang humihigop sa masarap na kape, napagusapan namin ang kaniyang mga plano sa darating na Ramadan. Sabi niya, malaking bagay ang Ramadan dahil makakapag-reconnect uli siya ng pananampalataya niya kay Allah, at the same time, marami rin daw siyang tatapusing gawain sa pinapasukang kolehiyo. Kaniyang na-open na mahaba-haba man ang Ramadan, mahaba-haba rin ang kaniyang mga school works. Naisip niya agad na baka mapagod siya dahil totoo naman na may stress ding dulot ang mga assignments kahit kaunti. Isa pa, Ramadan, naka-fasting siya, so sabi niya na kaunting food lang ang tatanggapin ng katawan niya eh nakakagutom pa naman.

Ngunit hindi raw ito hadlang upang ituloy niya ang pag-aayuno sa panahong ito. Mas lalo niya raw pagsisikapang matapos ang Ramadan ng may umaapaw na pananampalataya. Kahit daw mahirap, si Allah ang magpapalakas sa kaniya. 

Nakakatuwa na kahit ako man ay may ibang paniniwala, mas napapalakas din ito sa pamamagitan ng mga kaibigan kong Muslim na nagiging gabay ko sa tamang landas.

Naiopen din sa akin ng aking kaibigan na maari akong sumabay sa fasting. Nabanggit niya na noong bata raw sila, minsan ay allowed sila to have a break kahit sa tanghalian, given na bata pa sila at nag-aadjust pa sa fasting ng Ramadan. Naisip ko na magandang gawin nga ito, given na nagfafasting din naman ako, itaon ko ang oras sa mismong oras ng kanilang fasting. Naisip ko na ito na rin ay aking pakikiisa sa kanilang pananampalataya at selebrasyon.

Natuwa naman ang aking kaibigang Muslim. Nasabi niya rin na kht iba ang aking pananampalataya, samahan ko rin daw ito ng dasal. Dahil ang tanging makakapagpalakas lang daw sakin ay ang Diyos na pinaniniwalaan ko kagaya ng paniniwala niya kay Allah. Natuwa naman ako rito. Napaka-open niya sa mga sitwasyon at kalagayan. Ni hindi pumasok sa isip nya na bawal dahil ako naman ay di nila kaanib, ngunit ito ay plus points sa akin na kahit iba kami ng paniniwala, ginagalang niya ako, naguumapaw ang respeto naming sa isa’t isa at talaga namang ito talaga ang tunay na ibig sabihin ng relihiyong Islam, ang kapayapaan.

Pagkatapos naming kumain at magbonding, kinulit niya pa ako na gawin ko raw yung fasting na iyon na ginawa niya noong bata siya. May naisip pa nga siyang itawag dito, “kiddie fasting” daw kasi pambata at sabay tawa sakin. Sinabi nya rin na dapat daw after ng Ramdaman ay magkaparehas na raw kami ng katawan, bagay na parang mahirap kong ma-achieve dahil sa kaniyang pagiging slim at sa aking katawang borta. Nawa’y mangyari ito. Humingi rin ako sa kaniya ng pabor na ipagdasal ako sa lahat ng aking lakad na tinugon niya ng may-saya. Bago kami magkahiwalay, niremind nya uli ako na magpatuloy lang sa fasting at maging maingat araw-araw.

Ang sarap lang sa pakiramdam na may kaibigan kang ganoon. Magkaiba man ng pananampalatayan, marami namang “common grounds” upang mapalapit sa bawat pinaniniwalaan. Ito ang patunay na hindi hadlang ang relihiyon upang maggalangan o maging masaya sa pang-araw-araw. Ito ang patunay na ang Islam ay relihiyon ng kapayapaan. Natanim din sa isip ko na ang Ramadan ay hindi lamang patungkol sa sarili at kay Allah, kundi ito rin ay pakikipagkapuwa at pagpapakita ng malasakit sa bawat tao, anuman ang paniniwala.

Sana sa susunod naming meet-up ng aking kaibigan ay maging sing-nipis niya na ko at sing-tatag ng kaniyang pananampalataya.


Muslim at Kristiyano, Nagmahalan?

Ang mga Muslim sa Pilipinas ay karaniwang matatagpuan sa Mindanao. Sa paglipas ng panahon ang mga Muslim ay paunti unting lumilipat sa ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa ibat ibang rason, upang mag negosyo, mag aral at mag trabaho. Hindi maipagkakaila na ang Muslim at hindi Muslim ay nakakapagsalamuha at minsan naman ay nakapagpapalagayan ng loob. Kakuwentuhan sa trabaho at eskuwelahan, ka chat sa social media at ka bonding sa mga lakad. At hindi nila namamalayan na unti unting nahuhulog na ang loob sa isat isa.

Pwede nga ba ito sa Islam? Anong dapat gagawin sa sitwasyon na to?

Upang maunawaan natin ito ay dapat natin makita ang kaibahan ng tinatawag nating “Hindi Muslim”.  Ang tinatawag na “Hindi Muslim” ay nasa iba’t ibang uri: Sila ay ang mga Mushrikat (sumasamba sa mga rebulto), Mulhida (Atheists), Murtaddah (Tumiwalag sa Islam) at Kitabiyyah (Kristyano at Hudyo).

“at huwag ninyo pakasalan ang mga babaeng Mushrik hangga’t sa sila’y hindi maniniwala. Katotohanan ang alipin na babaeng Muslim ay Mabuti kaysa sa babaeng Mushrik kahit ano pa man ang pagmamahal ninyo para doon. Qur-an 2:221

Sa mga nabanggit na ito at ang Kitabiyyah lamang ang ipinapahintulot ng Islam sa isang Lalaking Muslim na pangasawahin.

“Nahalal na sa inyo ang mga milinis, at ang kinakain ng mga tao na pinadalhan ng kasulatan ay halal sa inyo, at ang inyong kinakain ay halal sa kanila at ang mga matitinong babae na nanampalataya at ang matitinong babae na kabilang sa Ahlul Kitab (Kristyano o Hudyo) ay halal sa inyo. Qur-an 5:4

Sa anong pamamaraan?

Ang pakikipagrelasyon, pag iibigan, pagmamahalan na walang seremonya ng kasal ay pinagbabawal. Kahit sila ay hindi Muslim, mariing ipipag uutos ng Islam ang pagrespeto sa dangal ng mga kababaihan. Kaya’t kung nais ng isang Muslim na lalaki na magkaroon ng iniirog ay marapat lamang na hingin niya ang kanyang mga kamay sa magulang ng babae.

Sa makabagong panahon ngayon, kung nais nilang magkakilala ng husto ay gawin nila ito ng my namamagitan. Kung nais nilang mag date o kumain sa labas ay dapat my kasama silang isa o higit pa. Ito ay upang hindi humantong sa malalim na usapan ang dalawa. Dahil sinabi ni Propeta Mohammad sumakanya ang kapayapaan ay ang ikatlo sa lalaki at babae kapag sila ay magkasama ay si Shaytan (Demon).

Kung nais din nilang ipagpatuloy ang kanilang pag uusap sa social media ay gumawa sila ng group chat na hindi lamang silang dalawa ang kasali.

Sadyang mahigpit ang Islam sa ganitong usapin, dahil gusto lamang ng Islam na pangalagaan ang dangal ng mga kakabaihan.


Proud Plantita Here

Ang berde ay naiuugnay natin sa dalawang bagay - una sa negatibong pananaw naaayon sa inggit (green with envy) o di kaya ay adult jokes and issues, pangalawa bilang isang kulay na kumakatawan sa pag-usbong at pag-unlad. Ayon sa sikolohiya, ang berde ay pumupukaw sa damdaming mapagpayabong, mapayapa, bago at pagbabago.

Hindi ko paboritong kulay ang berde, ngunit aminado ako na kung papipiliin kung saan ko mas gustong pumunta sa Boracay o Baguio, pipiliin ko ang huli. Mas gusto ng aking mga mata ang makakita ng mga pine trees at iba’t iba pang mga halaman at puno na makikita na sa paglalakbay pa lamang paakyat sa malamig na siyudad. Siguro nga ay tama ang mga eksperto, ang berde ay maihahalintulad natin sa inang kalikasan. Diba’t kahit sa mga marketing ng mga produkto at mga adhikaing environmental, pag kalikasan na ang pinag-usapan laging may halaman at may kulay berde sa kampanya.

Hindi na rin ako magtataka kung bakit ang daming naging plantito at plantita mula ng taong 2020. Ako man ay di nakatakas dito. Sa liit ng aking tinitirhan sa siyudad, hindi bababa sa 10 uri ng halaman ang aking pinapayabong at binubuhay sa loob ng tahanan. At ito ay isang bagay na aking maituturing na accomplishment. Sabi sa isang article na pinublish sa Bangkok Post, ang Pilipinas ay tinamaan ng gardening craze na tinawag na Plantdemic. Nakakatuwa ang paglalaro sa mga salitang plant at pandemic. Ngunit ito ay tunay na nangyari. Ako man ay nagtaka, bakit ako nahilig sa halaman. Linggo linggo kami noon nagpupunta sa Farmer’s Garden upang tumingin ng bagong aalagaang halaman. Ang social media ay nalunod sa mga larawan ng monstera at fiddle leaf trees at di rin ako nagpahuli. Dahil sa mataas na demand at kaunting supply, patuloy tumaas ang presyo ng mga halaman. Ang nakakatuwa pa ay di na tayo nalimitahan sa pagpunta lamang sa mga tindahan ng halaman, ngunit pati live selling ng mga ito ay atin ring pinatulan. O ako lang yata? Oo, budol talaga ang perpektong salita. Sa gitna ng pandemic ako ay pumupunta sa bus station sa Cubao ng Victory Liner upang kunin ang mga nabili ko sa live selling mula Baguio at Pangasinan. At kung minsan ay sa Partas para sa mga galing Ilocos na halaman. At naging masaya ang bawat pagkakataong ito. Para akong kumukuha ng padala galing Amerika.

Bagamat di lahat ay pinalad mabuhay. Masasabi ko namang minahal ko ang mga ito at inalagaan ng abot sa aking makakaya. Kung tutuusin, hindi lamang boredom o pagkainip ang naging dahilan ng pag-aalaga ng halaman ng mga Pilipino. Ito ay paraan rin upang maging malapit tayo sa kalikasan, na sa ilan ding taon ay naging mailap dahil sa coronavirus. Ang pagiging plantito at plantita natin ay patunay lang ng ating malalim na kaugnayan sa kalikasan. Nais nating maging bahagi ng paglinang at pagpapalago. Bilang mga tao, natural sa atin ang mga layuning ito. Biophilia o ang likas nating pangangailangan maging kaanib ng iba pang may buhay gaya ng hayop at halaman, ang marahil dahilan ng ating pagnanais mapalapit sa kalikasan. Bilang bahagi ng ecosystem hindi rin natin matatawaran ang ibinibigay sa ating sustenance ng mga halaman.

 Lumuwag na ang mga protokol. At muli na naman tayong nabigyan ng pagkakataong maglakbay at makita ang napakagandang tanawin sa ating bansa. Pero gaya ng iba na nasimulan na ang napakagandang paghahalaman sa siyudad (urban gardening) at kahit sa loob ng mga tahanan, ornamental man yan o nagbubunga ng pagkain, magiging mahirap na rin sa akin ang mawala sila sa aking paningin. Dahil sa berde nilang kulay, nabigyang buhay ang dating simpleng tahanan, at napatunayan kong kahit wala akong green thumb ay kaya kong bumuhay ng ilan pang mga buhay.


Ang mga BFF ng bagong panahon

May positibong impluwensya ang pag-aalaga ng mga hayop sa kalusugan ng tao. Ang mga aso at pusa na pinaka paboritong gawing domestic pets, o yung mga alaga sa bahay ay nagbibigay ng emosyonal na suporta sa mga nag-aalaga. At ito ay hindi lamang opinyong ng mga pet owners kagaya ko, ngunit napatunayan na rin base sa agham at pagsisiyasat. May mga makabuluhang findings na kahit ang mga nakararanas ng post-traumatic disorder ay nabibigyang lunas ng pag-aalaga ng aso. Ang ating mga pets daw ay may intuitive gift. Malakas ang kanilang pakiramdam kung ikaw ay may pinagdadaanan, at sila ay nagbibigay comfort sa paraang alam nila - andyang maging madikit sila sa iyo, maging malambing, sumunod kahit saan ka pumunta sa loob ng iyong tahanan, o di kaya ay titigan ka lang na parang nangungusap at nagsasabing handa syang makinig sa iyong mga hinaing...parang isang matalik na kaibigan, sila ay handang makinig. At sila ay makikinig ng walang judgement. Yun siguro ang pinaka malaking pagkakaiba nila sa mga tao.

Sa pandemyang ating dinaanan, dala ng Covid-19, marami sa atin, higit kailanman ang napagtanto ang ginhawa sa pagkakaroon ng alagang hayop. Mental Health ang isa sa pinaka tinamaan bukod sa pisikal na kalusugan ng karamihan sa ating mga Pilipino, at ito rin ang nangyari sa global na komunidad. Mahirap ang makulong sa ating mga tahanan ng ilang buwan, ang maranasan ang takot sa araw araw para sa ating mga sarili at ating mga pamilya. Buti na lang at ang mga hayop ay hindi nakakuha ng virus na ito.

Ako ay may dalawang maliliit na aso sa loob ng aking tahanan. Bago magpandemic nagkikita lamang kami sa umaga at sa gabi. Maghapon ako sa trabaho. Dahil sa lockdown naging mas mahaba ang aming pagsasama, kami ay mas nakakapag bonding, nakakapaglaro at napapakain ko sila ng higit sa dalawang beses sa isang araw, na sa tingin ko naman ay ikinagiliw rin nila. Matatakaw ang mga ito at maliliksi. Kaya napakadali sa akin malaman kung may nararamdaman silang masama at kakaiba. Dahil sa kanila hindi ko rin halos naramdaman ang tagal ng pagkakakulong dahil sa lockdown. Bagamat hindi naman talaga ako malungkutin, ay napakahalaga para sa akin na alam kong may kasama akong humihinga sa loob ng bahay. Salamat na rin sa Tiktok at marami na akong natuklasang bagong paraan ng pag-aalaga, home remedies, life hacks, etc, na nakatulong upang ako ay maging mas epektibong fur-parent.

Sabi nga ng marami, maikli lang ang buhay ng ating mga alaga. Mabilis lang lilipas ang 14 o 15 taon at sila ay maaari ng pumanaw. Gaya ng iba hindi ko rin gustong isipin ang mga pangyayaring ito, dahil alam naman natin kahit gaano tayo kahanda, hindi pa rin talaga tayo prepared sa mga tagpong ganito.

Ang magagawa na lang natin bilang kapalit sa kanyang katapatan at pagmamahal ay maibigay natin ang magandang buhay at masasayang ala-ala habang kapiling pa natin sila. Pakainin sila ng masasarap, ipasyal at ilakad kung may oras, yakapin at itabi sa ating pagtulog kung maari.

Sabi nga sa isang nabasa ko, kung umabot man sa huling yugto ng kanilang buhay ang iyong alaga, wag mo itong iwang pumanaw mag-isa, tabihan mo sya hanggang sa huli dahil wala ng mas liligaya pa para sa kanya kung hindi ang masulyapan ka bago siya tumawid sa Rainbow Bridge. Sa kabilang banda, kung ikaw naman ay maunang pumanaw, alam mong binigay mo ang karapat dapat na pag-aalaga at pagmamahal sa kanya, hindi lamang bilang isang hayop, ngunit isang kaibigang matalik - ang ating tunay na BFF.


A date with one’s self? Bakit hindi?

Ang pagkain ng mag-isa marahil ay hindi para sa lahat. Kamakailan, ang social media ay humimok ng iba’t ibang opinyon ayon sa paksang, sa palagay ko, at siguro sa palagay rin ng nakararaming Pilipino ay hindi ganoon kahalaga upang maging usapin (dati), ngunit sa isang iglap ang marahil isang “choice” lamang ng taong naging biktima ay naging malawak na isyung sumasalamin sa ating kultura.

Kalungkutan. Nakakaawa. Ganyan ang tingin ng iba. Walang pag aalinlangang na-judge ang isang taong kumakain mag-isa. Walang isip kung sa kabilang banda ang eksenang ito ay higit na nagbigay sa taong iyon ng katahimikan, kapayapaan at isang “moment” ika nga ng kaligayahan. Napakadali sa ating mga Pilipino ang bumuo ng mga konklusyon. Gumawa ng mga kwento, na kung minsan ay sadyang wala namang sapat na basehan. Sabagay, tayong mga Pinoy ay pinalaki sa pagbibigay halaga sa ibang tao higit sa ating sarili. The most hospitable people on the planet, ika nga. Kasama na dito ang napakalaking bahagi ng ating kultura na maging dikit sa pamilya, sa ating mga kaibigan, sa ating mga kasama sa opisina. Sa puntong ito, atin na ring banggitin ang popular na kasabihang no man is an island. Kaya naman kung mag-isa kang kumakain, tiyak may isyu ka.

Nasaan sa mga ideyang ito ang sarili o self? Hindi naman bagong konsepto ang self-love. Siguro nga ay di lang ito tatak Pinoy na ating nakasanayan. Hindi ba natin maituturing na pagmamahal sa sarili ang pagkain ng mag-isa? Paano kung sarili ko lang ang gusto kong pakainin ng masarap? Pakainin ng mahal? Paano kung nag-ipon ako para sa buffet?

Kung babalikan ko ang mga panahong nasubukan kong kumain mag-isa, na sa totoo ay hindi ko na rin mabilang sa aking mga daliri, hindi naman dahil ito ay madalas, kung hindi dahil para sa akin ito ay bahagi lamang ng normal na takbo ng buhay. Wala naman ako talagang maiuugnay na malungkot na nangyari, kahit sa mga pagkakataong kinailangan kong kumain ng mabilis sa cafeteria ng ospital dahil ako ang bantay, o kaya ay kumain saglit upang bumalik sa burol, o di kaya ay kumain makalipas ang libing ng isang kamag-anak. Malulungkot na tagpo ng buhay ngunit ang mismong pagkain ay di ko naman kinakitaan ng kalungkutan. Naisip ko tuloy, kung namumugto ba ang mata habang sumusubo ng chicken nuggets ay nagbibigay sa iba ng similar na pag-iisip - “kawawa naman yung babae, walang kasama, kumakain mag-isa....” Wala sa hinagap nila na ang mismong sandaling iyon ay nagbigay sa akin ng malaking ginhawa - “sa wakas tapos na ang paghihirap...” “sa wakas nakakain din ako, kanina pa ako nagugutom.” Mga ideyang siguro nga ay hindi pumasok sa isip ng mga nakakakita. Dahil gaya ko at gaya ng iba, tayong mga Pinoy ay mahilig humatol base lamang sa panlabas nating nakikita.

Ang pagkain ay marapat lang na pumukaw ng positibo at masayang karanasan. Gaya ng maraming nagbigay ng unsolicited opinion, ako rin ay umaasang sa susunod na may makita tayong kumakain mag-isa, maging masaya tayo para sa kanila, dahil bukod sa may pambili sila ng pagkain, ay nakapaglaan sila ng oras para sa kanilang mga sarili. Baguhin natin ang ating pananaw at maging maligaya para sa iba. Gawin nating normal - let us normalize eating alone. Mahirap ba yun? Kain tayo.


Paano aalagaan ang Mahal sa Buhay na may Dementia?

Kamakailan lamang ay nabalitang nadiagnose na may dementia ang sikat na aktor na si Bruce Willis. Si Bruce Willis ay sumikat noong 1980s sa isang comedy drama TV series na pinamagatang “Moonlighting”. Matapos nito, lumabas ang aktor sa higit 100 na pelikula sa loob ng apat na dekada at sa mga pelikulang ito umani ng napakadaming parangal ang aktor, lalong lalo na sa kanyang mga ginampanang papel sa pelikulang “Pulp Fiction”,  “The Sixth Sense” at “Die Hard”.

Isa lamang si Bruce Willis sa mga taong naapektuhan ng sakit na Dementia. Ang Dementia ay hindi isang partikular na sakit ngunit ito ay isang pangkalahatang termino para sa kapansanan sa kakayahang matandaan, mag-isip, o gumawa ng mga desisyon na nakakasagabal sa paggawa ng mga pang-araw-araw na gawain. Ang Alzheimer's disease ay ang pinakakaraniwang uri ng Dementia. Bagama't kadalasang nakakaapekto ang dementia sa mga matatanda, hindi ito bahagi ng normal na pagtanda.

At dahil buwan ng pag-ibig ngayong Pebrero, talakayin natin kung paano ba natin aalagaan ang ating mga mahal sa buhay na mayroong dementia.

Kung ikaw ay nag-aalaga ng isang taong may dementia, ang iyong tungkulin sa pamamahala ng mga pang-araw-araw na gawain ay tataas habang ang sakit ay lumalala. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tips na pupuwedeng gawin:

Bawasan ang pakiramdam ng pagkabigo

Ang ating mga mahal sa buhay na may dementia ay maaaring makaranas ng matinding pagkabigo sa kanilang hirap sa paggawa ng mga simpleng gawain sa araw-araw. Upang mabawasan ito, dapat tayong gumawa ng kagawian sa araw-araw at ipaintindi sa ating mahal sa buhay na hindi nila kailangang magmadali. Bigyan natin sila ng kalayaang pumili at magdesisyon pa din sa kanilang sarili ngunit patuloy natin silang gagabayan. Wag din natin kakalimutan na isama ang mga mahal natin sa buhay sa mga makabuluhang usapan, at limitahan ang mga bagay na makakaabala sa kanila. Kapag ginawa natin ito, matutulungan natin silang makapokus.

Maging marunong makibagay

Sa paglipas ng panahon, ang isang taong may demensia ay mas aasa sa atin upang matulungan sila. Para mabawasan ang kanilang pagkabigo, manatiling flexible at ibagay ang iyong routine at mga inaasahan kung kinakailangan.

Halimbawa, kung gusto niyang magsuot ng parehong damit araw-araw, isaalang-alang ang pagbili ng ilang magkakatulad na damit. Kung ang pagligo ay natutugunan ng pagtutol, isaalang-alang ang paggawa nito nang mas madalas.

Lumikha ng isang ligtas na kapaligiran

Ang dementia ay umaapekto sa kakayahang magdesisyon ng isang tao pati nadin ang kanyang kakayahan upang lumutas ng problema. Dahil dito, mas nagiging mahina sila at madalas maaksidente. Dapat nating siguraduhin na ligtas ang kapaligiran ng ating mga mahal sa buhay na may dementia. Ilan lamang sa pwede nating gawin ay siguraduhin na ang lugar o bahay ay ligtas mula sa mga aksidenteng pagkahulog; lagyan ng mga kandado ang mga lugar na may mga nakakapinsalang kemikal o mga gamit; siguraduhing kaaya-aya ang temperatura ng kwarto ng ating mahal sa buhay at maglagay ng smoke detector kung sakaling magkaroon ng sunog at iba pang aksidente.

Tumutok sa indibidwal na pangangalaga

Ang bawat taong may Alzheimer's disease o dementia ay makakaranas ng mga sintomas at pag-unlad o paglala nito. Ang pasensya at kakayahang umangkop — kasama ang pag-aalaga sa sarili at ang suporta ng mga kaibigan at pamilya — ay makakatulong sa iyo na harapin ang mga hamon at pagkabigo sa hinaharap.

At dahil buwan ng pagmamahalan ang Pebrero, nais naming ipaalala sa lahat nang may pinagdaraanang pagsubok katulad ng dementia sa pamilya na hindi ito madali ngunit lahat ng pagsubok na sasamahan ng pasensya at pagmamahal ay malalagpasan. Huwag susuko.


Maganda nga bang makipag bonding sa Bondee?

May bago nanamang nauuso na application ngayon at ang tawag dito ay Bondee. Noong isang araw lamang ay sinubukan namin ito. Maganda bang makipag bonding sa Bondee? Simple ba itong gamitin at matutugunan ba nito ang ating pangangailangan lalo na sa pakikipag usap sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay? Gusto naming ishare sainyo ang aming experience.

Ang una mong gagawin ay magrerehistro ka ng iyong valid cellphone number para magkaroon ka ng account sa Bondee. Pagkatapos nito ay mamimili kana ng iyong avatar o yung virtual na itsura mo. Ibig sabihin, sa loob ng Bondee, malaya kang makakapili ng hugis ng iyong mukha at katawan, buhok, kasuotan, at mga iba pang accessories. Noong ginagawa namin ito, talaga nga namang nakaka-aliw. Maari mo kasing gayahin mismo yung itsura mo sa totoong buhay para realistic ang avatar mo. Pagkatapos nito, pwede mo ng i-add ang iyong mga kaibigan gamit ang kanilang QR code or username. 

Ngayon, mayroon na kaming Bondee account at nai-add na din namin ang aming mga kaibigan. Nakaka enjoy magusap sa Bondee dahil sa napakadaming reaction status na pwede mong gawin. Pwede ka ding magupload ng picture at ilagay yun sa iyong status. Pwede mo ding i-poke or kalabitin ang iyong kaibigan kapag sila ay inactive.

Mayroon ding feature sa Bondee kung saan pwede kayong gumawa ng group chat. Dito naman namin nasubukan na makita ang aming mga avatar na sama sama at nagsasayawan, minsan naman ay nakaupo at nagpipicnic.

Ang isa pang feature ng Bondee ay ang pag sail or pag layag sa dagat kung saan makakakuha ka ng mga rare items tulad ng damit at accessories, at makakasalamuha din ang ibang Bondee users na hindi mo pa kaibigan.

Sa madaling salita, naenjoy talaga namin ang pag-gamit sa Bondee. Nawa ay magamit ito ng mga Pilipino upang mas lalo pang magkaroon ng interaksyon sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay. Sa mga nag-iisip naman na gamitin ang Bondee sa mga kani kanilang interes o sa pag-gawa ng masama, wag niyo na itong ituloy. Itong Bondee ay ginawa para maging isang non-toxic environment kung saan lahat ay maaaring maging masaya. Ang saya makipag bonding sa application na ito. 


“Think Positive”: Unrealistic Expectations and Toxic Positivity

Toxic positivity refers to the practice of constantly emphasizing the positive and downplaying or ignoring the negative. It is often characterized by phrases such as "think positive," "look on the bright side," and "keep a smile on your face." While positivity is generally a good thing, toxic positivity can be harmful to both individuals and society.

One of the main problems with toxic positivity is that it can invalidate people's feelings and experiences. When someone is going through a difficult time and is told to "just think positive," it can make them feel like their emotions and struggles are not being acknowledged or understood. This can lead to feelings of isolation and disconnection, and can make it harder for that person to work through their problems and find solutions.

Another problem with toxic positivity is that it can create unrealistic expectations. When people are constantly told to focus on the positive and ignore the negative, they may start to believe that they should always be happy and that negative emotions are somehow "wrong." This can lead to feelings of guilt and shame when people inevitably experience sadness, anger, or other negative emotions.

In addition to these individual effects, toxic positivity can also have negative consequences for society as a whole. When people are encouraged to ignore or downplay problems, they may be less likely to take action to address them. This can lead to issues being swept under the rug and not being dealt with effectively. Furthermore, by promoting the idea that negative emotions are something to be ashamed of, toxic positivity can discourage people from seeking help when they need it.

While positivity is generally a good thing, toxic positivity can be harmful to both individuals and society. It can invalidate people's feelings, create unrealistic expectations, and discourage people from taking action to address problems. Instead of promoting toxic positivity, it's important to acknowledge and validate people's emotions, and to work together to address problems in a realistic and effective way.


luxury-is-not-only-about-luxry-brands

Luxury is not only about Luxury Brands

A TikTok video went viral recently after the account owner, Zoe, who is a teenager, happily thanked his father for gifting her her first luxury bag. The video garnered numerous negative comments after netizens pointed out that the brand of the bag, Charles and Keith, is not considered as a luxury brand.

When we look into the concept of luxury and how people from the high society enjoy it, we see at least 5 characteristics surrounding the world of luxury products - rarity and exclusivity, excellence in craftsmanship, expensiveness and quality of materials, timelessness, and experience and design.

While many would argue that Charles and Keith is in fact, not a luxury brand, we must look into how the Tiktok owner used the word luxury in her post.

Zoe, the Tiktok owner, clarified that she did not come from a well-off family and the bag, which was given to her by her father, was a luxury knowing that this came from the hard work of his father.

There are times that we forget our statuses in life and how eah of us differ in terms of successes. The term luxury, for the wealthy and famous, means having luxury products and enjoying the finer things in life. But for people who are living modestly day to day, a simple brand new bag to replace a worn out one, could entirely become luxury itself.

Zoe gave us an old, forgotten perspective of looking at things that we value the most as a luxury. For many people deprived of potable water, a bottle of mineral water is a luxury. For a parent working 2 jobs a day, time is a luxury. For a person suffering from terminal illness, health is a luxury.

What is luxury for you?


toxic-positivity-versus-optimism-for-filipinos

Toxic Positivity versus Optimism for Filipinos

Donnalyn Bartolome, a vlogger and social media influencer, recently received backlash from netizens after posting about how people should be thankful for having a job instead of being sad over the reality that after the holidays, they should go back to work.

The netizens highlighted the vlogger's toxic positivity or the belief that no matter how dire or difficult a situation is, people should maintain a positive mindset.

It has been known by other cultures and nationalities that Filipinos are truly happy people and that they still remain positive in the face of challenges. This trait, which is one of the things we love most about our countrymen, is called optimism. Optimism, coupled with planning and the right amount of work, is a basic formula for any Filipino faced with hardship. Filipinos are resourceful and are always thinking of solutions rather than prolonging discussions over the problem. With optimism comes hope that all efforts would be towards the achievement of the goals.

On the other hand, toxic positivity is a mindset which often downplays a real challenge or situation in a sort of unintentional gaslighting. Toxic positivity has been frequently done by people speaking from a position of privilege or those who did not have an experience over the challenge, thus, refusing or even ignoring that the problem is valid.

Toxic positivity is a problem in the Filipino society. However, at the end of the day, what is important is overcoming this culture by reinvigorating Filipino optimism.