Nilikom ng Vox Media’s Food Website,Eater, ang 16 “Fried Chicken Chains” sa Amerika ayon sa mga sumusunod na kategorya: Bones (classic fried chicken), No Bones (nuggets, tenders, etc.) Sandwiched (fried chicken sandwiches), at Sauced (fried chicken dishes paired with sauces).
Matapos na unti-unting alisin ang bawat chain mula sa “face-off bracket”, idineklara ng Eater ang pagkapanalo ng Jollibee sa kategoryang Bones!
Naipanalo ng tahanan ng sikat na Chickenjoy laban sa Bonchon ng South Korea ang huling round at ito ay naideklarang “best fried chicken in America.”
Ayong kay Lesley Suter, Deputy Editor ng naturang website, “The subtly seasoned skin is as tectonically crunchy as advertised, if loosely attached in such a way as to be able to slide off an entire hunk with one bite”. Dagdag pa niya na ang iconic gravy ng Jollibee ay “more than just an optional dunk.” “It completes the dish, gelatinous in a way I can only describe as naughty, while proudly showing its Filipino colors with a hefty dose of sugar.”
Maliban sa Bonchon, naging kakumpetensya rin ng Jollibee sa nasabing kategorya ang Popeyes, KFC, Church’s, Wendy’s, McDonald’s, Burger King, White Castle, Chick-fil-A, Shake Shack, Fuku, Bojangles, Wing Stop, Panda Express, and Del Taco.
Ang Jollibee ay mayroong 64 branches sa Amerika at 1,500 lokasyon sa buong mundo. Nabuksan na rin ang Jollibee Times Square, New York noong August 18, 2022.
Ang pagkapanalo ng Jollibee ay karangalan hindi lamang para sa nasabing kainan kundi para na rin sa Pilipinas kung saan ito nagsimula.