Madalas ka bang sumasakay sa sa mga pampublikong transportasyon? Marahil ay nasakyan mo na rin ang LRT. Hindi lingid sa ating kaalamn na ang mga pangalan ng istasyon sa LRT ay puno ng kasaysayan. Ating alamin ito upang sa iyong pagsakay ay maalala mo ang mga kasaysayang nakapaloob dito.
RECTO STATION– Ang unang istasyon ng LRT Line 2. Ito Ipinangalan kay Claro M. Recto. Si Claro Mayo Recto ay kilala bilang isang Abogado, Congressman, at Senador noong panahon ng mga Amerikano rito sa Pilipinas. Isa siya sa may akda ng 1935 Constitution kung saan ito ay nagbibigay sa atin ng sampung taong pamamahala ng may supervision ng mga Amerikano bago tayo maging ganap na malayang bansa. Ilan lamang sa hinawakang posisyon ni Claro M. Recto ay ang pagiging Associate Justice ng Supreme Court, Commissioner of Education, Health and Public Welfare, Minister of State for Foreign Affairs, at Ambassador sa Europa at Latin America. Ang kinalalagyan ng Recto Station ay kilala rin noon sa pangalang Kalye Azcarraga kung saan sa makasaysayang lugar na ito nabuo ang Katipunan.
Ilan lamang sa mga sikat na pook na makikita malapit sa Recto Station ay ang Isetan Mall, Mga Bookstores at Art Supplies Shop, at ang mga kilalang paaralan kagaya ng Far Eastern University, STI at iba pa.
Legarda Station– Ang sumunod na Istasyon sa Recto ay ang Legarda Station. Ipinangalan ito kay Benito T. Legarda na isang prominenteng businessman noong panahon ng Espanyol. Si Benito Legarda ay nagsilbi bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Emilio Aguinaldo noon sa Malolos at nagging Bise Presidente ng Malolos Revolutionary Congress na pinamumunuan din ni Pangulong Aguinaldo. Noong panahon naman ng mga Amerikano, isa sa mabibigat na posisyon na kanyang hinawakan ay ang pagiging Unang Commissioner from the Philippines Islands to the United States Congress kasama si Pablo Ocampo. Si Benito Legarda rin ang nagtatag ng Federalista Party kung saan ito ngayon ay kilala bilang Partido Federal ng Pilipinas. Ang kinalalagyan ng Legarda Station ay kilala noon sa pangalang Calle Alix.
Ilan lamang sa mga sikat na lugar na maaring makita di kalayuan sa Legarda Station ay ang mga sikat na unibersidad, ahensya ng gobyerno at pasyalan kagaya ng University of the East, San Sebastian College-Recoletos, San Beda University, Centro Escolar University, La Consolacion College Manila, Arellano University San Sebastian Church, Mediola Peace Arch, at DSWD Main Office.
Pureza Station– Ito ay salitang Espanyol na nangangahulugang “Purity” sa Ingles. Si Clarence Hubbell na isang American Engineer ang nagpangalan nito. Isa rin sa dahilan kung bakit napangalanan itong Pureza ay dahil na rin noong panahon ay uso ang pagpapangalan sa mga kalye ng mga Virtues o Kagandahang Asal kaya naman ilan din sa malalapit na Kalye sa Pureza Station ay may pangalan na Alegria na nangangahulugang “Happines” o Kaligayahan, Economia na nangangahulugang “Thrift” o Matipid, Honradez na nangangahulugang “Honesty” o Katapatan, at Sobriedad na nangangahulugang “Sobriety”o Pagtitimpi.
Ilan sa mga sikat na lugar na makikita sa Pureza Station ay ang makasaysayang Mabini’s House-ang bahay ni Apolinario Mabini, Polytechnique University of the Philippines, AMA Computer College, EARIST, at ang isa pang makasaysayang tulay na bumabagtas sa Pureza ang Nagtahan Bridge na mas kilala na ngayon sa pangalang Mabini Bridge.
- Mapa Station– Ipinangalan ito kay Victorino Mapa. Si Victorino Montano Mapa ay ang 2nd Supreme Court Magistrate ng Pilipinas pagkatapos ni Cayetano Arellano. Naging Secretary of Finance and Justice din si Victorino Mapa noong panahong ng Amerikano kung saan siya ay namuno ng anim na taon kumpara sa Isang Taon at Tatlong Buwan niyang pamumuno bilang Ikalawang Judge ng Supreme Court. Isa rin siya sa mga unang Pilipino na nagging Commissioner to the United States noong panahon ng panunungkulan ni US President Woodrow Wilson.
Ilan sa mga sikat na lugar na makikita di kalayuan sa V. Mapa Station ay ang SM Centerpoint na mas kilala na ngayon bilang SM Sta. Mesa-ang ikalawa sa pinakamatandang SM sumunod sa SM North Edsa. - Ruiz Station– Ito ay ipinangalan kay Juan Ruiz. Si Juan Ruiz ay kabilang sa samahang Katipunan noon. So, in short, isa siyang Katipunero na nakasama ni Andres Bonifacio. Si Juan Ruiz ay isa sa mga Katipunerong namatay sa makasaysayang Labanan sa San Juan Del Monte. Ito ang naging unang laban ng Katipunan at naging hudyat na rin ng Rebolusyon laban sa mga Espanyol.
Ilan sa mga lugar na maaari ninyong puntahan sa bisinidad ng J. Ruiz Station ay ang makasaysayang Pinaglabanan Bridge- kung saan naganap ang unang laban ng Katipunan laban sa Espanyol, Battle of Pinaglabanan Monument, at ang mga makasaysayang Museo ng Katipunan at Museo El Deposito na medyo malayo layo ng kaunti sa J. Ruiz ngunit kung kayo ay mahilig sa mga Museo ay maaari kayong magpunta rito upang malaman ang kasaysayan ng San Juan City at lalo na ang Katipunan.
Gilmore Station-Pinangalan kay Eugene Allen Gilmore na isang abogado at propesor. Siya rin ay kilala bilang Vice-Governor General ng Pilipinas noong 1922-1929 noong panahon ng mga Amerikano. Siya rin ay naging acting Governor-General ng Pilipinas noong 1927 at 1929. Pinamunuan niya rin ang Department of Public Instruction o mas kilala na ngayon bilang DepEd kung saan nakilala siya dahil sa kanyang galing sa pagtataguyod ng edukasyon sa Pilipinas.
Ilan sa mga kilalang lugar na maaaring mapuntahan sa di kalayuan sa Gilmore Station ay ang Gilmore I.T. Center kung saan ang bilihan ng mga mura at brand new na mga electronic devices particularly Laptop at Computer at ang Robinsons Magnolia.
Betty Go-Belmonte– Si Billie Mary Go-Belmonte o mas kilala sa pangalang Betty Go-Belmonte ay isang Filipina Journalist and Newpaper Publisher kung saan isa siya sa naging founder o nagtatag ng mga kilalang national newpaper kagaya ng The Philippine STAR at Philippine Daily Inquirer. Isa si Betty Go-Belmonte sa mga tumuligsa noon sa mga extrajudicial killings at corruption na nangyari noong panahon ni Pangulong Marcos gamit ang malayang pamamahayag. Siya ay asawa ni dating Speaker of the House of Representative na si Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. at ina ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ilan sa mga lugar na maaaring mapuntahan di-kalayuan sa Betty Go-Belmonte Station ay ang Holy Buddhist Temple.
Araneta-Cubao Station– Ipinangalan kay J. Amado Araneta na isang Filipino Businessman. Si J. Amado Araneta ang nagmamayari ng lupa kung saan ang kinatitirikan ng Araneta Coliseum at ang nagtatag ng Araneta Center kung saan ito ay naging leading commercial hub ng bansa.
Samantala, and Cubao naman ay dating bahagi ng Morong, Rizal na isang gubat noong panahon ng Espanyol kung saan ang lugar na ito ay pinaniniwalaang may mga naninirahang Mangkukulam. Kaya ang mga taong dumadaan at nakakakita sa kanila doon ay nagsasabi o tinatawag sila na “Kuba, o!” dahil na rin siguro sa porma ng katawan ng mga mangkukulam noon na parang kuba kaya tinawag sila ng mga tao na ganito at kalaunan naging Cubao.
Ilan sa mga lugar na talaga namang pwedeng pasyalan dito ay ang Araneta Center at Araneta Coliseum na pinagdarausan ng mga malalaking sporting event noon at ngayon kagaya ng UAAP, NCAA, at PBA. Nandyan din ang Camp Crame na Headquarters ng Philippine National Police at Camp Aguinaldo na Headquarters ng Armed Forces of the Philippines. Maaari niyo ring bisitahin dito ang PNP Museum at AFP Museum.
Anonas Station– Ito ay isang scientific name ng prutas, “Annona reticulata” na mas kilala sa tawag na Custard Apple na pinaniniwalaang tumutubo sa lugar noon. Ilan sa mga benefits ng pagkain ng Custard Apple ay nakakapagpababa o normalize ito ng ating Blood Pressure. Ito rin ay mayaman sa Vitamin C na Anti-oxidant at Immune Booster at Vitamin A. Ang prutas din na ito ay pinaniniwalaang nakakapagpakinis ng balat, nakakapagpalinaw ng mata, at nakakatulong para sa good digestion.
Ilan sa mga lugar na maaaring puntahan sa Anonas Station ay ang mga Ukay-Ukay Hub na pwede ninyong pagbilan kung kayo ay nagtitipid at mahilig sa mga cheap ngunit class na damit.
Katipunan Station– Obviously ang LRT Station na ito ay ipinangalan sa Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK. Ito ay tinatag nila Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, at Teodoro Plata sa isang bahay sa Calle Azcarraga na mas kilala na ngayon sa pangalang Recto Avenue kung saan nandoon din sa kahabaan ang Recto Station.
Ilan sa mga lugar na maaaring puntahan di kalayuan sa Katipunan Station ay ang Philippine School of Business Administration at Ateneo De Manila University.
Santolan– Ito ay pinangalan sa prutas na Santol na may scientific name na (Sandoricum koetjape). Sinasabi na ang mga puno nito ay matatagpuan sa lugar bago pa man dumating ang mga Espanyol noon. Ang Santol ay kilala rin sa English bilang Cotton Fruit, Lolly Fruit-Dahil sa paraan ng pagkain nito na parang lollipop, at Wild Mangosteen kung saan ito ay mayaman sa mga Vitamins B and C na pampalakas ng Immune System at panlaban sa Scurvy.
Source: RnV Channel (YouTube)