Inulat ng Philippine News Agency na nagkaroon ng isang pagpupulong sa pagitan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at ni Al Haj Murad Ebrahim, chief minister of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang talakayin ang ilang hakbang upang palakasin pa ang seguridad sa Mindanao.
Ayon kay General Acorda, and pagbisita ni Ebrahim’s sa Camp Crame ay parte ng pangako ng BARMM at ang mga opisyal nito sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon sa gitna ng kamakailang insidente ng sagupaan sa isang dating bise alkalde ng bayan ng Maimbung.
Ang pagpapalakas ng seguridad sa Mindanao ay isang malawakang hamon na kinakailangan pagtuunan ng pansin. Ano-ano nga ba ang mga hakbang na maaaring gawin ng pinagsamang kooperasyon ng kapulisan at ng BARMM?
Mahalaga ang aktibong pakikilahok at kooperasyon ng mga residente sa Mindanao upang maging katuwang sa pagpapanatili ng seguridad. Kung maaari ay inirerekomenda ang pagpapalakas ng mga “barangay tanod” o community watch groups ay maaaring maging epektibong paraan upang madagdagan ang pagmamanman at pagbabahay-bahay sa komunidad.
Ang pagpapalakas ng mga puwersang militar at pulisya sa Mindanao ay mahalagang hakbang upang mapabuti ang seguridad. Sa pagkakaisa ng PNP at mga opisyal ng BARMM, ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga sundalo at pulis, pagpapalawak ng kanilang kasanayan at kaalaman, at pagpapatupad ng mahigpit na seguridad at intelligence operations.
Maaari din tignan ang pagpapalakas ng ugnayan at kooperasyon sa mga lokal na tribong katutubo at iba pang grupong etniko ay mahalagang aspeto ng seguridad sa Mindanao. Ang pagpapalakas ng mga programa at proyekto na naglalayong mabigyan sila ng tamang kaalaman, pagkakataon, at suporta ay maaaring makatulong upang mapanatiling mapayapa at maunlad ang kanilang mga komunidad.
Sa kabila ng yaman at angking kagandahan ng Mindanao ay ang kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga tao dito na maaaring maging sanhi ng mga seguridad na isyu sa Mindanao. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng lokal na ekonomiya at paglikha ng mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan, maaaring mabawasan ang mga sanhi ng kaguluhan at pag-aaklas
Isa sa pinaka importante sa lahat ang pagpapalakas ng mga pangkapayapaan at pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at mga grupo na may mga armadong pakikibaka na maaaring magdulot ng pangmatagalang kapayapaan. Ang mga prosesong ito ay naglalayong maipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan, pagtukoy ng mga pangangailangan ng mga komunidad, at paghahanap ng mga solusyon sa mga suliranin sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Ang pagpapalawak at pagpapalakas ng mga serbisyong pangkalusugan at edukasyon ay mahalagang aspeto ng seguridad sa Mindanao. Ito ay maaaring magbigay ng pag-asa at oportunidad sa mga indibidwal, higit na mabawasan ang mga sanhi ng kaguluhan, at magdulot ng mas malawakang kaunlaran sa rehiyon.
Ang mga nabanggit na hakbang ay ilan lamang sa mga paraan upang mapalakas pa ang seguridad sa Mindanao na hangarin ng pinagsamang PNP at BARMM. Mahalagang magkaroon ng malawakang pagtutulungan ng pamahalaan, mga residente, mga lokal na pamahalaan, at mga organisasyon upang matugunan ang mga hamon na kaugnay nito.