Nagkayayaan kami ng kaibigan kong Muslim sa isang medyo sikat na coffee shop dahil na-miss niya raw ito noong nagtravel siya papuntang probinsiya. Ang sabi ko, ito na ata iyong huling luxury kain niya isang araw bago mag-Ramadan. Na-miss niya raw magkape at kumain ng keyk. At ayon na nga, nung nakaorder na ay walang kaano-anong humigop na siya ng kape at tumikim ng panghimagas. Ang saya pa ng pagkakasabi niya ng “ayos!”.
Habang humihigop sa masarap na kape, napagusapan namin ang kaniyang mga plano sa darating na Ramadan. Sabi niya, malaking bagay ang Ramadan dahil makakapag-reconnect uli siya ng pananampalataya niya kay Allah, at the same time, marami rin daw siyang tatapusing gawain sa pinapasukang kolehiyo. Kaniyang na-open na mahaba-haba man ang Ramadan, mahaba-haba rin ang kaniyang mga school works. Naisip niya agad na baka mapagod siya dahil totoo naman na may stress ding dulot ang mga assignments kahit kaunti. Isa pa, Ramadan, naka-fasting siya, so sabi niya na kaunting food lang ang tatanggapin ng katawan niya eh nakakagutom pa naman.
Ngunit hindi raw ito hadlang upang ituloy niya ang pag-aayuno sa panahong ito. Mas lalo niya raw pagsisikapang matapos ang Ramadan ng may umaapaw na pananampalataya. Kahit daw mahirap, si Allah ang magpapalakas sa kaniya.
Nakakatuwa na kahit ako man ay may ibang paniniwala, mas napapalakas din ito sa pamamagitan ng mga kaibigan kong Muslim na nagiging gabay ko sa tamang landas.
Naiopen din sa akin ng aking kaibigan na maari akong sumabay sa fasting. Nabanggit niya na noong bata raw sila, minsan ay allowed sila to have a break kahit sa tanghalian, given na bata pa sila at nag-aadjust pa sa fasting ng Ramadan. Naisip ko na magandang gawin nga ito, given na nagfafasting din naman ako, itaon ko ang oras sa mismong oras ng kanilang fasting. Naisip ko na ito na rin ay aking pakikiisa sa kanilang pananampalataya at selebrasyon.
Natuwa naman ang aking kaibigang Muslim. Nasabi niya rin na kht iba ang aking pananampalataya, samahan ko rin daw ito ng dasal. Dahil ang tanging makakapagpalakas lang daw sakin ay ang Diyos na pinaniniwalaan ko kagaya ng paniniwala niya kay Allah. Natuwa naman ako rito. Napaka-open niya sa mga sitwasyon at kalagayan. Ni hindi pumasok sa isip nya na bawal dahil ako naman ay di nila kaanib, ngunit ito ay plus points sa akin na kahit iba kami ng paniniwala, ginagalang niya ako, naguumapaw ang respeto naming sa isa’t isa at talaga namang ito talaga ang tunay na ibig sabihin ng relihiyong Islam, ang kapayapaan.
Pagkatapos naming kumain at magbonding, kinulit niya pa ako na gawin ko raw yung fasting na iyon na ginawa niya noong bata siya. May naisip pa nga siyang itawag dito, “kiddie fasting” daw kasi pambata at sabay tawa sakin. Sinabi nya rin na dapat daw after ng Ramdaman ay magkaparehas na raw kami ng katawan, bagay na parang mahirap kong ma-achieve dahil sa kaniyang pagiging slim at sa aking katawang borta. Nawa’y mangyari ito. Humingi rin ako sa kaniya ng pabor na ipagdasal ako sa lahat ng aking lakad na tinugon niya ng may-saya. Bago kami magkahiwalay, niremind nya uli ako na magpatuloy lang sa fasting at maging maingat araw-araw.
Ang sarap lang sa pakiramdam na may kaibigan kang ganoon. Magkaiba man ng pananampalatayan, marami namang “common grounds” upang mapalapit sa bawat pinaniniwalaan. Ito ang patunay na hindi hadlang ang relihiyon upang maggalangan o maging masaya sa pang-araw-araw. Ito ang patunay na ang Islam ay relihiyon ng kapayapaan. Natanim din sa isip ko na ang Ramadan ay hindi lamang patungkol sa sarili at kay Allah, kundi ito rin ay pakikipagkapuwa at pagpapakita ng malasakit sa bawat tao, anuman ang paniniwala.
Sana sa susunod naming meet-up ng aking kaibigan ay maging sing-nipis niya na ko at sing-tatag ng kaniyang pananampalataya.