Bawat simula ng taon ng pag-aaral, ang Department of Education (DepEd) ay naglulusong ng “Brigada Eskwela” upang isulong ang pagkakaisa at bayanihan.

Sa kabila ng pandemya, ang programang ito na kilala rin bilang National Schools Maintenance Week ay nagbibigay halaga sa pagtutulungan ng akademya at ng komunidad.

Sa Sta. Ana National High School (SANHS) na matatagpuan sa Tagoloan, Misamis Oriental, ang “Brigada Eskwela” ay maituturing ng ritwal kada taon ng mga magulang, guro at mag-aaral. Nagkaroon man ng paghinto sa pagpasok sa paaralan ng dalawang taon, ang bawat isa ay muling nagkaisa upang masiguro ang ligtas na pagbabalik ng “face-to-face classes.”

Ayon kay Clyde Villar,  SANHS “Brigada Eskwela” Coordinator, kung ang bawat paaralan ay handa at may tamang pasilidad sa pag-aaral, patuloy na ang pagusad ng ligtas na edukasyon sa gitna ng pandemya.

Sa nakaraang taon, ang SANHS ay nagkaroon ng 1,438 na mag-aaral.

Ayon kay Ivan Jeff Emano, is sa mga guro ng SANHS SHS Department, ang Senior High School ay mayroong limang seksyon, subalit sa kasalukuyang taon ay wala pang eksaktong numero kung ilan ang magiging karagdagang seksyon. Ito na rin ay sa kadahilanang ang pagpapatala ay patuloy pa rin sa kasalukuyan.

Ayon pa sa kanya, ang isang silid-aralan ay kayang tumanggap ng humigit kumulang na 40 estudyante. Gayunpaman, maari itong tumaas hanggang sa 50 na estudyante lalo pa at nagkaroon na ng anunsyo ang DepEd ng “full in-person classes.”

Dagdag pa nito, ang “Brigada Eskwela” ay krusyal sapagkat hindi lamang ito limitado sa pagpapaayos ng mga upuan at silid-aralan, ito rin ay isang paraan upang maimbentaryo ang mga kakulangan at kailangan pa ng bawat paaralan.

Ang mga programang kagaya ng “Brigada Eskwela” ang magsusulong upang maging kaayaya aya ang pag-aaral sa silid-aralan at magbibigay ng kapanatagan ng loob sa mga magulang sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral.

https://www.pna.gov.ph/articles/1181269