Ang kakayahan ng kababaihan ay may malaking ambag sa iba’t ibang larangan ng buhay. Lalo na sa modernong panahon, ang mga kababaihan ay kaya nang makipagsabayan sa kahit anumang larangan. Isa na sa larangang ito ang ay ang politika o gobyerno na kalimitang mga kalalakihan ang nagdodomina, ngunit may isang babae ang namumukod-tangi pagdating sa pamamahala. Ito ay si Amenah F. Pangandaman.
Noong Setyember 28, 2023, si Amenah “Mina” Flaminiano Pangandaman ay itinalaga bilang kauna-unahang babaeng Muslim na Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) at ang nag-iisang Muslim na miyembro ng gabinete ni Pangulong Marcos Jr. Siya rin ay ang nag-iisang babae sa economic team ng pangulo na nakatutok sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Siya ay nakapagtapos ng Bachelor’s Degree in Economics sa Far Eastern University at mayroong diploma at M.A. sa Development Economics sa University of the Philippines. Kasalukuyan niya ring tinatapos ang kaniyang pag-aaral ng Executive Master of Public Administration sa London School of Economics. Ito ay sa kabila nang kaniyang pamumuno sa kagawaran, hindi matatawaran ang kaniyang pagpapahalaga sa edukasyon dahil ito rin ay kaniyang nagagamit sa kaniyang paglilingkod sa bayan.
Bukod sa pagiging kapitapitagang babaeng Muslim na nakaupo sa posisyong itinalaga ng pangulo, narito ang ilan sa kaniyang mga nagawa at karanasan habang siya ay nanungungkulan:
- Kasalukuyang pinuno ng BSP’s Strategic Communication and Advocacy; Direktang pinamamahalaan niya rin ang Department Liaison Office and Budget Technical Bureau;
- Nakapagtrabaho sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang Technical Advisor III, at hindi nagtagal ay naging Managing Director at Assistant Governor at Executive Offices Coordinator;
- Naging DBM Undersecretary, at Concurrent Director ng Budget Technical Bureau noong 2018;
- Nakapasok sa DBM sa ilalim ng Office of the Secretary at naging Secretary noong 2016 hangang 2018;
- Naging Chief of Staff for Advocacy Programs and Projects Committee on Finance sa Tanggapan ni Senador Loren Legarda;
- Naging pinuno ng Policy Research Group, Political and Constituency sa Tanggapan ni Senador Edgardo J. Angara; naging Chief of Staff noong 2007; at
- Naging Chief of Technical and Research Services and Secretariat on the Congressional Commission on Labor sa House of Representatives at Senate of the Philippines.
Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy niya ang nasimulan ng nakaraang administrasyon sa pagpapalawig ng inclusive economic recovery upang maabot ng mga Pilipino ang mataas na antas ng pamumuhay. Ilan pa sa kaniyang mga ambag at gagawin sa pamamahala sa ilalim ng DBM ay ang pagpapatupad ng programa tungkol sa sistematiko at maayos na patakarang piskal ng gobyerno, modernisasyon sa sistema ng pagbabadyet, maayos na paggasta ng gobyerno, at pagpapalago ng ekonomiya sa pamamagitan ng matalino at istratehikong paglalaan ng pera sa mga de-kalidad na impraestruktura at pamumuhunan sa mga kabuhayan ng populasyon.
Bukod dito, hindi pa man nauupo bilang kalihim, ninais din ni Sec. Pangandaman na ilapit ang pamamahala sa mga nasasakupan kung kaya’t pinangunahan niya ang pagpapatupad ng BSP’s strategic initiative na naglalayong ilapit ang central bank sa mga Filipino. Nakapag-ambag din siya ng ilan sa mahahalagang inisyatibo sa BSP kagaya ng digital transformation ng systema ng pananalapi. Noong panahon ni Pangulong Duterte, isa siya sa sumuporta sa Build, Build, Build program at inilunsad niya ang Green, Green, Green program na nagbibigay ng suporta sa mga lokal na pamahalaan na sumusuporta sa programa nang nakaraang administrayon.
Dahil sa kaniyang mga nagawa at pagtatalaga bilang kalihim ng DBM, siya ay kinilala ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao/Bangsamoro Parliament sa paglagda ng isang resolusyon. Ito ay ang Resolution Number 47 na nilagdaan noong Oktuber 17, 2022 na kumikilala kay Sec. Pangandaman at pagpapakita ng suporta at paghanga sa kaniya ring pagbibigay-karangalan sa mga kapatid nating Muslim.
Ang mga programa at inisyatibo ni Sec. Pangandaman ay hindi maisasakatuparin kung hindi dahil sa kaniyang mahabang karanasan ng paglilingkod. Siya ay nagsimula sa mababang posisyon hanggang sa umangat sa pamamagitan ng kaniyang sipag, tyaga, at dedikasyon sa trabaho at paglilingkod sa bayan. Ito ang patunay na ang mga kababaihan ay kayang makapag-ambag nang malaki sa anumang larangan, ito man ay mapa-palakasan o pamamahala sa nasasakupan. Si Sec. Pangandaman ay magsisilbing inspirasyon sa mga kapatid nating Muslim at sa lahat ng mga Pilipino na kahit anuman ang iyong paniniwala at kasarian, hindi ito hadlang upang pagsilbihan ang Inang Bayan.